LP 139: Ito (This)
February 17, 2011 by R
Filed under LP entries

Lubhang naging mapanghamon ang theme para sa linggong ito. Sa sobrang lawak ng paksa ay hindi ko malaman kung anong “ito” ang itatampok ko. Mabuti na lamang at naalala ko ang mga larawang kuha ko ng bumisita kami sa Iloilo tatlong buwan na ang nakalilipas.
Ito (This) ay bahagi ng bas-relief na pumapalamuti sa simbahan ng Santo Tomas de Villanueva sa Miagao, Iloilo. Isa sa apat na simbahang Baroque sa Pilipinas na itinala noong 1993 sa talaan ng Pandaigdigang Pamana ng UNESCO. Dalawa sa mga simbahang ito ay matatagpuan sa Ilocos region at ang isa ay nasa Intramuros, Maynila. Mapalad akong mabigyan ng pagkakataon na personal na masilayan ang apat na simbahang ito.
Maligayang Huwebes mga ka-LP!

