LP 140: Karampot o kaunti

February 24, 2011 by  
Filed under LP entries

Asukal. Asin. Ano nga ba ang lasa ng ating mga pagkain kung wala ang mga ito? Palagay mo ba ay masisiyahan kang kainin ang iyong paboritong adobo kung ito ay walang alat at tamis? Paano na ang tocino, masarap ba ito kung puro lamang alat ang iyong matitikman kapag ito ay iyong nilasahan?

Sa inumin naman, iinom ka pa ba ng iyong paboritong soda kagaya ng coke o mountain dew kung wala itong tamis? Bakit ba tinawag na ‘sago at gulaman’ lamang samantalang ito ay punong-puno ng asukal?

Asukal. Matamis. Masarap. Nagbibigay lasa. Nakapagbibigay ‘luwalhati at ligaya’ kung tama ang timpla.

Asin. Maalat. Masarap. Nagbibigay balanse kung sobra ang tamis. Nakapagbibigay ‘luwalhati at saya’ rin, kung tama ang timpla.

Paano kung sobra?

Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Comments

18 Responses to “LP 140: Karampot o kaunti”
  1. Doc Emer says:

    Diabetes po pag sobra sa asukal at alta-presyon naman pag sobra sa asin. Yan po ang totoong dahilan ng mga sakit — ang maling interpretasyon ng malasa at masarap. haha

    Eto po lahok ko: http://siteseer.blogspot.com/2011/02/sleepless-last-night.html

    HAPPY LP!!! :) :) :)
    Doc Emer´s last [type] ..Sleepless Last Night

    • Thess says:

      Tama po kayo Doc Emer! Parehong sakit ng lahi ko yan :( Pero po Doc bakit ganuon, may hypertension ako gayung normal ang cholesterol at blood sugar ko? Hindi ako maalat sa pagkain, lalo nang hindi mahilig sa matamis. (Nagpakunsulta na he he)

      Narito naman ang aking konti lang

  2. Thess says:

    Ay nakalimutan kong bumati:

    HAPPY LP everyone!
    Narito naman ang aking konti lang

  3. ian says:

    hmm kakaibang ‘kakarampot’ ang natampok =] masarap na paglalakbay sa lahat =]
    ian´s last [type] ..Litratong Pinoy- KAKARAMPOT Few

  4. kaya ako kadalasan medio matabang ang aking lutuin kasi ang pananaw ko, mas mabuti na ang kaunti kasi pwedeng pang dagdagan kesa sa sobra na mahirap nang bawasan.

    eto ang aking lahok
    Jay-agent112778´s last [type] ..MyProject 365 Cycle 01 – 90 of 365 andLitratong Pinoy 140 – kaunti less

  5. mahilig ako sa malalasang pagkain, ayoko ng matabang naman..
    ganda ng larawan..

    Happy LP sa inyong lahat!

    http://www.thesilentprincess.com/?p=1232
    silentprincess´s last [type] ..LP- Kaunti Few

  6. Manang Kim says:

    Kung sobra malamang hinde aabot sa 100 years old hehehe. Ito ang lahok ko Litratong Pinoy
    Manang Kim´s last [type] ..LP-Karampot-Kaunti

  7. yeye says:

    tama. ang lahat ng bagay ay dapat itake in moderation. hehe:)
    happy Lp sa lahat!! namiss ko dito. :D
    yeye´s last [type] ..LP 140 – Kakarampot

  8. lino says:

    kaya dapat tama lang…

    narito po ang aking bahagi para sa linggong ito…

    http://linophotography.com/lp-konti-few/
    lino´s last [type] ..LP- konti…few

  9. Gizelle says:

    Kung kaunti ang ilagay mong asukal sa cake, matabang, kung kaunting asin ay tama lang ang lasa…naku! tama, moderation is the key para sa ibang bagay pero mayron naman n kelangang sakto talaga…happy LP!
    Gizelle´s last [type] ..Karampot-Kaunti Mite-Little

  10. arvin says:

    Basta ako gusto ko ang kape ko medyo matamis:D

  11. Julie says:

    Konti lang kami gumamit ng asukal o kaya asin. Pero sa pagkain ng chi-chirya, ganun din, maraming asin din yun, me MSG pa, ngek.

  12. Mauie says:

    Sakto sa akin yan. Karampot lang talaga ang pwedeng asukal at asin. Diabetic kasi, hehehe.
    Mauie´s last [type] ..LP 140- Karampot o Kaunti

  13. sabi nga nila, too much of anything is not good. tama ang sabi ni doc emer!
    fortuitous faery´s last [type] ..Litratong Pinoy 97- Karampot Small Amount

  14. AC says:

    unang pagkakataon kong makasali dito at ako’y namangha sa ganda ng iyong kuha sa kakarampot na asin at asukal. pati ang mga kutsara ay napakaganda.

    Sa akin, hindi pupwede ang kakarampot at napakataas ng aking panlasa.

    Ito ang aking lahok para sa linggong ito: http://www.joinmystroll.info/2011/02/lp-karampot-o-kaunti.html
    AC´s last [type] ..LP- Karampot o Kaunti

  15. Halie says:

    Hindi naman dapat kaunti, ngunit hindi rin dapat sobra. In moderation lamang dapat.

    Magandang Huwebes!
    Halie´s last [type] ..Less is more

  16. kayni says:

    napaka importante ang asukal at asin sa kusina. hindi mawawala yan sa aking bahay.

    nahirapan ako sa temang ito pero sana okay ang aking lahok.
    kayni´s last [type] ..LP 140- Kaunti Few

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge