LP 140: Karampot o kaunti
February 24, 2011 by T
Filed under LP entries
Asukal. Asin. Ano nga ba ang lasa ng ating mga pagkain kung wala ang mga ito? Palagay mo ba ay masisiyahan kang kainin ang iyong paboritong adobo kung ito ay walang alat at tamis? Paano na ang tocino, masarap ba ito kung puro lamang alat ang iyong matitikman kapag ito ay iyong nilasahan?
Sa inumin naman, iinom ka pa ba ng iyong paboritong soda kagaya ng coke o mountain dew kung wala itong tamis? Bakit ba tinawag na ‘sago at gulaman’ lamang samantalang ito ay punong-puno ng asukal?
Asukal. Matamis. Masarap. Nagbibigay lasa. Nakapagbibigay ‘luwalhati at ligaya’ kung tama ang timpla.
Asin. Maalat. Masarap. Nagbibigay balanse kung sobra ang tamis. Nakapagbibigay ‘luwalhati at saya’ rin, kung tama ang timpla.
Paano kung sobra?
Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!


