LP 133: Paboritong Laruan.
January 6, 2011 by T
Filed under General, LP entries
Happy Happy New Year po muli sa inyong lahat, mga kasamang blogista-litratista! Eto na tayo, papasok sa ating ikatatlong taon ng Litratong Pinoy! Akalain ninyo, inabot natin ang ikatlo?! Minsan madami, minsan naman ay konti ang nagpapartisipa tuwing Huwebes subalit ang mahalaga ay sama-sama pa rin tayong nag i-enjoy tuwing Huwebes, at yan ang mahalaga, di po ba
O sya, simulan na natin!
“Alin? Alin nga ba ang paborito mo’ng laruan sa mga iyan? Hindi pwedeng sabay-sabay laruin, pumili ka lang ng isa!”
Iyan ang madalas ko sabihin sa aso ko’ng ito (Charlie) na madalas ay pinagsasabay-sabay na ikalat ang kanyang mga laruan sa buong bahay! Kaya kung magugulatin ka na kagaya ko ay mapapatili ka na lang minsan dahil kapag aksidente mong maapakan ang mga ito ay may impit na tunog magmumula sa iyong paa-nan! O kaya naman nang dahil sa pagkagulat mo ay maari kang mawalan ng balanse at tumimbuwang na lang bigla! Isang bagay na nakakatuwa kay Charlie na kapag may bagong laruan ay itatabi niya ito sa kanyang pagtulog! Parang bata na natatakot agawin ang mga ito sa kanya. Sana nga lang ay marunong din syang magligpit ng mga ito kapag tapos na syang maglaro, ano?
Sa palagay ninyo , alin sa mga laruan na ito ang paborito ni Charlie?!


