LP 136: Malambot

January 27, 2011 by  
Filed under General, LP entries

Kawili-wili ba’ng pagmasdan ang isang mananayaw na ‘matigas’ ang katawan? Syempre naman ay hindi, tama po ba ? Ipikit mo ang iyong mga mata at subukan mong isipin ang isang mananayaw na lumalambitin sa dance pole, hindi ba’t kahanga-hanga ang lambot ng kanyang katawan at napapapulupot nya ito sa mahabang bakal?

Nahalukay po ito ng inyong abang lingkod mula sa kanyang baol. Ito ay kuha noong 2009 Summer Carnival sa siyudad na malapit sa amin. Inaabangan ito ng maraming tao dahilan sa pagpaparada ng mga kababaihan, kalalakihan, matanda o bata sa kahabaan ng lansangan ng Rotterdam. Bukod sa makukulay na costumes nila (na hindi nyo makikita sa 2 larawang ito..pasensya na po at hindi kagandahan lalo na ang gusali sa unang larawan kaya ginawa ko na lamang ganyan ang kulay) ay talagang kay lalambot ng kanilang mga katawan na siyang nagpapaindak sa mga nanonood sa kanila.

Ang 2 babaeng ito ang kumuha ng aking atensyon. Ang una ay dahilan sa kanyang tila mahiyaing mukha , ganunpaman ay hindi mahiyain ang kanyang indak.

At ang pangalawang binibini ay talagang bigay na bigay hindi lang ang lambot ng katawan sa pagsayaw subalit pati na rin ang kanyang mga halakhak at ngiti! Game na game rin syang mag pose kapag nakakakita ng camera! Isa pa ang hinding hindi ko makakalimutan ay ang kanyang mukha na nagpa-alala sa akin kay Diana Ross at Michael Jackson, walang biro!

Sana naman ay napangiti kayo ng may malalambot na katawan na mga binibining ito :)

Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Comments

20 Responses to “LP 136: Malambot”
  1. Gizelle says:

    Malapit na din ako maging ganyan kalambot…hehe

    Happy LP!
    Gizelle´s last [type] ..Malambot-soft

  2. Luna Miranda says:

    wish ko malambot ang katawan ko sa sayawan!:p gusto ko tuloy mag-pole dancing. LOL
    todo bigay naman ang tawa ng gurl na ito–enjoy na enjoy sya.
    Luna Miranda´s last [type] ..Malambot Soft

  3. Ebie says:

    Sana, ganyan kalambot ang katawan ko, hahaha! Gusto ko ang facial expression ng pangalawang litrato.
    Ebie´s last [type] ..Litratong Pinoy- Malambot Soft

  4. Thess says:

    Malambot din naman katawan ko ah! lalo na bilbil :D

    Happy LP everyone!

  5. yeye says:

    ako rin malambot ang katawan bukod sa nasayaw ako eh mataba rin ako hehehehe

    happy LP po sa lahat :)

  6. emarene says:

    WOW!Pag ganito rin lang ka ganda ang sumasayaw sa harap, di bali ng di malambot sumayaw :) )
    Maganda yata talaga ang Huwebes mo ka LP!

    Eto naman ang lahok ko
    http://thisrandomness.blogspot.com/2011/01/litratong-pinoy-malambot-soft.html
    emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Malambot Soft

  7. Willa says:

    Oo nga, kahit sa litrato lang,halatang malalambot ang kanilang mga katawan. :)
    Willa´s last [type] ..Project 22-24 &amp LP73-Malambot Soft

  8. Manang Kim says:

    Ganda naman nang mga wankata nito. For sure, ang lambot nang mga katawan nito ^_^ Mine is up!
    LP:Malambot
    Manang Kim´s last [type] ..LP 136- Malambot

  9. Manang Kim says:

    Ito pala ang korek na link ^_^

    LP:Malambot
    Manang Kim´s last [type] ..LP 136- Malambot

  10. missp says:

    hanep! curvaceous and soft…

    sana ako din malambot ang katawan. unfortunately, the ballet lessons i had as a child did not help at all… kasi na-baley-an (napilayan) ako ng braso, hehehe.
    missp´s last [type] ..MALAMBOT Soft

  11. Hindi man ako kasing-expert nila o ng mga belly-dancer, buong puso (at buong-baywang) naman ako sumayaw pag may pagkakataon! Hehe.
    fortuitous faery´s last [type] ..Litratong Pinoy 94- Malambot Soft

  12. Arlene says:

    ang ganda ganda nila! pati katawan wow sexy!

    sigurado ako hindi sila kumakain sa aking lahok ngayon baka sila ay tataba :D

    happy Huwebes sa lahat!
    Arlene´s last [type] ..LP – Malambot

  13. Dinah says:

    ako ay ipinanganak na dalawa ang kaliwang paa at saksakan ng tigas ang katawan. pangarap ko ding makaindak ng ganyan kalambot ;-)

    Malambot

  14. upto6only says:

    hehehe sana ganyan din ang katawan ko at kasing lambot din nilang sumayaw.

    Happy LP sa inyong lahat
    upto6only´s last [type] ..LP- Malambot

  15. Dinah says:

    Heto pa ang aking isang Malambot na entry ;-)

  16. Marites says:

    huwaw! ang seksi nila!! sana, ganun ako kaseksi!! :)
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy123 Malambot Soft

  17. ian says:

    pole dancer na matigas ang katawan = dalawang kawayan na pinagkikiskis sa isa’t isa =0

    kakaibang mananayaw naman ang tampok ko =p

    maligayang paglalakbay sa lahat!
    ian´s last [type] ..Litratong Pinoy- MALAMBOT Soft

  18. mukhang malalambot nga mga bewang nila..sana ako din..hehehe

    eto naman po ang lahok ko:
    http://www.thesilentprincess.com/?p=1119
    silentprincess´s last [type] ..Arnel Pineda’s Farewell Gig at Rockville Bar

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge