LP 133: Paboritong Laruan.
January 6, 2011 by T
Filed under General, LP entries
Happy Happy New Year po muli sa inyong lahat, mga kasamang blogista-litratista! Eto na tayo, papasok sa ating ikatatlong taon ng Litratong Pinoy! Akalain ninyo, inabot natin ang ikatlo?! Minsan madami, minsan naman ay konti ang nagpapartisipa tuwing Huwebes subalit ang mahalaga ay sama-sama pa rin tayong nag i-enjoy tuwing Huwebes, at yan ang mahalaga, di po ba
O sya, simulan na natin!
“Alin? Alin nga ba ang paborito mo’ng laruan sa mga iyan? Hindi pwedeng sabay-sabay laruin, pumili ka lang ng isa!”
Iyan ang madalas ko sabihin sa aso ko’ng ito (Charlie) na madalas ay pinagsasabay-sabay na ikalat ang kanyang mga laruan sa buong bahay! Kaya kung magugulatin ka na kagaya ko ay mapapatili ka na lang minsan dahil kapag aksidente mong maapakan ang mga ito ay may impit na tunog magmumula sa iyong paa-nan! O kaya naman nang dahil sa pagkagulat mo ay maari kang mawalan ng balanse at tumimbuwang na lang bigla! Isang bagay na nakakatuwa kay Charlie na kapag may bagong laruan ay itatabi niya ito sa kanyang pagtulog! Parang bata na natatakot agawin ang mga ito sa kanya. Sana nga lang ay marunong din syang magligpit ng mga ito kapag tapos na syang maglaro, ano?
Sa palagay ninyo , alin sa mga laruan na ito ang paborito ni Charlie?!



ay gusto ko ng pug hihi
at happy Huwebest na rin po
happy new year sa lahat
UNO!!! unang nagcomment hehe
http://mysilentsanctuary.kundiman.net/?p=1056
Palagay ko po yung korteng bone ang gusto ni Charlie! haha tama po ba?
Eto po naman ang sa akin: http://siteseer.blogspot.com/2011/01/cookie-monster.html
Happy New Year po and Happy LP sa lahat!!

Doc Emer´s last [type] ..Cookie Monster
naku, di lang yung ipit na tunog ang nakakagulat, pati yung matatapilok ka dahil bigla mong aalisin ang paa mo sa natapakan mo
HAPPY NEW YEAR TO ALL
eto naman ang aking laruan
Jay-agent112778´s last [type] ..Litratong Pinoy 133 – Paboritong Laruan favorite toy
bida na naman ang ating mga alaga.:p salawahan din si Fritz pagdating sa mga laruan nya, at ayaw magpahiram.:p
Luna Miranda´s last [type] ..Favorite toy Paboritong laruan
Hindi nagpapahiram ng laruan yang si Charlie! lol!
Happy LP sa inyong lahat!
ang aking paboritong laruan
waaa 7 hours na nga pala time difference…hintay ko pa mag 6 bago post lol. pahiram naman ng isa charlie! hehe
Gizelle´s last [type] ..Paboritong Laruan-Favorite Toy
Welcome to 2011 mga ka LP!!!!
Willa @ PixelMinded´s last [type] ..2011-Project 5&6 -365 & LP71- Paboritong Laruan
Mahirap talaga pumili, pero gusto si Charlie ang laruan
Belated Happy New Year pala sa lahat ng ka LP!
Medyo iba naman ang paborito kung laruan, pero am sure meron din maka ka relate
http://thisrandomness.blogspot.com/2011/01/litratong-pinoy-paboritong-laruan.html
emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Paboritong Laruan Favorite Toy
naku, ang swerte ni Charlie at ang daming laruan. manibagong bagong taon at maligayang LP!
Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy120 Paboritong Laruan Favorite Toy
sa wakas nakasali din sa LP!
Happy New Year po sa inyong lahat ^_^
nakakatuwang panooring maglaro ung mga aso, parang aliw na aliw sila kahit na anung ibigay mo hehe. At parang hirap ngang pumili si Charlie sa mga laruan nya..
karmi´s last [type] ..LP- Hello- Hello Kitty
Happy New Year mga ka-LP
Wala akong lahok ngayon pero dadaan na lang ako
Ang daming laruan ni Charlie. hmmm siguro ang paborito nya yung yellow ng bola.
upto6only´s last [type] ..The Magic Lives On
Ang cute naman ng aso na yan. Ang paboritong laruan ng aso ko ay medyas at recently yung bola niya na one year old.
Halie´s last [type] ..My Favorite Toys
happy new year mga ka LP
nakakatuwa ang larawang iyan…baka naman mahilo ya yung pug
ito po ang aking lahok
http://www.hobbyista.com/?p=202
siguro paborito nya ay yong cute na blue ang kulay.
humahabol ako, Thess! life is just as busy as the word b u s y. hehehe
i hope you feel well now.
Arlene´s last [type] ..LP – Paboritong Laruan