L.P. 128: Bukas (open)
December 2, 2010 by T
Filed under LP entries
Pintuan. Ating ibinubukas ang ating pinutan kung kinakailangang tayo ay lumabas sa ating mga tahanan. Ating ibinubukas kapag may taong kumakatok sa kabilang panig nito. Pintuan, ating proteksyon sa mga elementong hindi natin nais sa loob ng ating pamamahay at buhay.
Bintana. Ating ibinubukas lalo na sa pagsisimula ng bagong araw. Ating ibinubukas upang sariwang hangin ay hayaang dumaloy sa loob ng ating pamamahay. Ating isinasara pagsapit ng takipsilim, hudyat ng pagtatapos ng isang araw sa ating buhay.
Masdan ng mabuti ang bintana sa larawan. sarado nga ba ito ng siyento porsiyento?
Maligayang pagsisimula ng buwan ng Disyembre at magandang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!


