LP 130: Sarado (Close)
December 15, 2010 by R
Filed under LP entries

Minsan ay nakakaramdam tayo na ang ating mundo ay gumuguho. Parang kahit saang direksyon tayo lumingon ay pawang dead end ang ating nakikita. Sa mga ganitong pagkakataon na parang ang lahat ng direksyon at oportunidad ay sarado, bakit hindi ka tumingi sa itaas?
Maligayang Huwebes mga ka LP… simbang gabi na, simula na ng Pasko.
–
Ang toreng ito na nasa Chinese Cemetery ay ang nagsisilbing memorial para sa mga nasawi sa pagguho ng Ruby Tower.

