LP 131: Makulay

December 23, 2010 by  
Filed under General, LP entries

“Ilang tulog na lang at Pasko na!”

Malimit na marinig sa mga tao sa ating paligid, lalo na sa mga batang talaga namang excited na sa araw na ito dahilan sa mga naghihintay na regalo sa kanila sa ilalim ng mga Christmas tree . Mga Christmas tree na may makukulay at nag gagandahang palamuti! Na taon- taong matapos ang selebrasyon ng kapanganakan ng ating Panginoong Jesus ay ating maingat na muling itinatago upang magamit muli sa susunod na pagkakataon.

Makukulay at magagandang pamaskong palamuti sa ating kapaligiran, hudyat ng selebrasyon na marami sa atin ay hinihintay. Sadyang may hatid na saya ang buwan na Disyembre. Para sa mga katoliko ay sa buwan na ito ay ang Sugo ng Diyos ay ipinanganak , para lamang ikaw at ako ay maisalba. Tanggapin lamang Sya ng taos sa ating mga puso.

…may hihigit pa ba sa Kanya na makapagbibigay ng kulay sa ating mga buhay?!

« Previous PageNext Page »