LP 132: Lugar…

December 30, 2010 by  
Filed under LP entries

Sa pagtatapos po ng taon na ito ay mayroon po tayong panauhing litratista kaya tayo na po at samahan natin si Arlene sa kanyang paboritong “LUGAR”!

Maligayang Huwebes at Maligayang bagong taon sa lahat mula sa pook ng Cabilao!

Ang pasko at bagong taon ko sa taon na ito ay ipinagdiwang ko at ng aking anak kasama ang kanyang Omi dito sa pook ng La Estrella Beach and Diving Resort na matatagpuan sa Isla ng Cabilao, Bohol. Di mag dalawang oras mula sa cyudad ng Tagbilaran. Dalawa lang ang paraan para ka makarating sa pook na ito. Ang isa ay (pump) boat travel mula Argao, Cebu o, Taxi ka mula Tagbilaran papuntang Mucpoc, Loon at sakay ka ng boat papunta sa isla.

Titira kami dito ng dalawang linggo at ito ay matapos sa Sabado kung kami ay uuwi na sa Mindanao.

Mag labing dalawang araw ko nakikita at makikita pa ang halos magka-iba na panahon. Parang babae (sabi nila). Magka iba-iba ang moods araw araw. May maulan na umaga at magandang mainit pagdating ng tanghali o mainit na umaga at uulan ng kunti sa hapon. Nakikita ko rin ang maliwanag na gabi at napakadilim na gabi. Ang lakas ng simoy ng hangin dito at meron ding mga panahon na walang hangin at napakataas ng humidity. Merong panahon na ang taas ng tubig at panahon na napakababa ng tubig.

Ang saya ng umaga ko kung ganito ang kulay ng langit at ang bait tingnan ng dagat. Pero kahit ano ang panahon, maulan man o mainit pinapasalamatan ko ang Panginoon sa experience na mag enjoy pagmasdan ang kagandahan ng likas sa pook na ito.

At this point, let me thank the admin and the whole team Litratong Pinoy  for giving me the chance to share my photos.

* At maraming maraming salamat sa iyo, Arlene sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon – admin.

*****************************************************************

Mula sa team Litratong Pinoy,  kami po ay bumabati sa inyong lahat ng

Comments

15 Responses to “LP 132: Lugar…”
  1. conniechiwa says:

    Kay ganda namang lugar niyan! I could use some beach weather now after that big blizzard we had! Haha!

    Manigong, Masaganang, Mapagpalang Bagong Taon!!!!!
    conniechiwa´s last [type] ..Litratong Pinoy 91-Pook Place

  2. wow ang ganda naman jan, sana makapunta kami ni pangga jan

    eto ang aking lahok. HAPPY NEW YEAR
    Jay-agent112778´s last [type] ..Litratong Pinoy 132 – Pook place – spot

  3. Luna Miranda says:

    ang sarap magbakasyon dito, Arlene! grabe, 2 weeks ka jan, wow! di ko pa yata naranasan magbakasyon ng 2 weeks na tuoy-tuloy!:( enjoy, Arlene. looking forward to more pics of this place.:p

    Happy New Year sa mga ka-LP!
    Luna Miranda´s last [type] ..Pook Spot- Place

  4. Halie says:

    Ang ganda naman diyan. Dalawang linggong bakasyon? Ang sarap!
    Halie´s last [type] ..Mediatrix Chapel – A Hidden Chapel

  5. Dinah says:

    Napakaganda naman talaga sa Bohol!

    Lugar

  6. Marc says:

    sana kayo ay maging maligaya sa inyong bakasyon at manigong bagong taon sa inyong lahat :D

  7. Marc says:

    ito po ang aking lahok
    Marc´s last [type] ..Pook Place

  8. Wow two weeks! Sarap!

    Ang aking lahok:
    http://shutterhappyjenn.blogspot.com/2010/12/lugar-place.html
    ShutterHappyJenn´s last [type] ..Lugar Place

  9. Yami says:

    Ang ganda ng lugar. :)
    Yami´s last [type] ..LP- Lugar Place

  10. lino says:

    Happy New Year mga kasama… narito ang aking bahagi…

    http://linophotography.com/lp-lugar-place/

  11. upto6only says:

    ang ganda ng lugar.

    Maligayang Bagong Taon mga ka LP
    upto6only´s last [type] ..New Bill In Town

  12. Marites says:

    kainggit naman at ang ganda ng lugar! maligayang bagong taon, mga ka-LP!
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy119 Lugar Place

  13. Arlene says:

    @jay – oo e plano nyo ng mabuti. Bohol got many nice beaches or resorts plus tourists spot which u can see all in one day. if you love underwater world then Bohol is a nice place to dive.
    Arlene´s last [type] ..5-12 Days Holiday Trip

  14. Arlene says:

    @Luna – coz of “forced leave” i enjoyed this two weeks break from work.

    I am posting some photos in my nature album sa facebook and also in my photo blog. :)
    Arlene´s last [type] ..5-12 Days Holiday Trip

  15. Ate Sienna says:

    Ang ganda… Sadya ngang hidden treasure ang Bohol. Nagkaroon kami ng pagkakataong mag-asawa na makarating dito ng huling uwi namin. At ang masasabi ko lang… sobrang ganda ng Bohol :)

    Eto naman po ang lahok ko para sa LP:

    Lugar

    Happy New Year sa lahat!!
    Ate Sienna´s last [type] ..Litratong Pinoy – Lugar

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge