LP 132: Lugar…
December 30, 2010 by Lino
Filed under LP entries
Sa pagtatapos po ng taon na ito ay mayroon po tayong panauhing litratista kaya tayo na po at samahan natin si Arlene sa kanyang paboritong “LUGAR”!
Maligayang Huwebes at Maligayang bagong taon sa lahat mula sa pook ng Cabilao!
Ang pasko at bagong taon ko sa taon na ito ay ipinagdiwang ko at ng aking anak kasama ang kanyang Omi dito sa pook ng La Estrella Beach and Diving Resort na matatagpuan sa Isla ng Cabilao, Bohol. Di mag dalawang oras mula sa cyudad ng Tagbilaran. Dalawa lang ang paraan para ka makarating sa pook na ito. Ang isa ay (pump) boat travel mula Argao, Cebu o, Taxi ka mula Tagbilaran papuntang Mucpoc, Loon at sakay ka ng boat papunta sa isla.
Titira kami dito ng dalawang linggo at ito ay matapos sa Sabado kung kami ay uuwi na sa Mindanao.
Mag labing dalawang araw ko nakikita at makikita pa ang halos magka-iba na panahon. Parang babae (sabi nila). Magka iba-iba ang moods araw araw. May maulan na umaga at magandang mainit pagdating ng tanghali o mainit na umaga at uulan ng kunti sa hapon. Nakikita ko rin ang maliwanag na gabi at napakadilim na gabi. Ang lakas ng simoy ng hangin dito at meron ding mga panahon na walang hangin at napakataas ng humidity. Merong panahon na ang taas ng tubig at panahon na napakababa ng tubig.
Ang saya ng umaga ko kung ganito ang kulay ng langit at ang bait tingnan ng dagat. Pero kahit ano ang panahon, maulan man o mainit pinapasalamatan ko ang Panginoon sa experience na mag enjoy pagmasdan ang kagandahan ng likas sa pook na ito.
At this point, let me thank the admin and the whole team Litratong Pinoy for giving me the chance to share my photos.
* At maraming maraming salamat sa iyo, Arlene sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon – admin.
*****************************************************************
Mula sa team Litratong Pinoy, kami po ay bumabati sa inyong lahat ng




