LP 124: Kuwadro (frame)
November 4, 2010 by panauhing_litratista
Filed under General, LP entries
Isang karangalan ulit na maimbitahan bilang panauhin dito sa LP. Salamat sa team L.P. sa pagiimbita muli .
Para sa tema ngayon ito ang aking lahok.
Marahil ay madami sa atin ang umuwi at nagbakasyon nitong nakaraang Undas. Hindi nga lang naging maganda ang panahon na iyon. Kuha ito isang araw bago ang November 1. Madami pa ang naga-ayos ng kani-kanilang puntod. Pinipinturahan muli ang mga lapida upang ito ay gumanda muli. Kung iisipin mo, ang ibang mga patay ay nakalibing sa tinatawag nilang “Apartment” o ang patong-patong na nitso. Nakakamanga ding pagmasdan ito dahil parang mga naka-kwadro ang kani-kanilang lapida.
Magandang LP sa inyo at kumusta naman ang inyong paggunita sa undas?


