LP 127: Sisidlan (holder)
November 24, 2010 by T
Filed under General, LP entries
‘click nyo lang po upang makita ang mas malaking larawan’
Napakarami kong naisipang litrato para sa ating challenge ngayong Huwebes. Sisidlan. Madali lang naman, di po ba? nandyan na naisipan kong kuhanan ng larawan ang aking bag na laging bitbit kapag umaalis ng bahay. Nandyan na muntik ko ng ding kuhanan ng larawan ang sisidlan ng pagkain ng aking aso. Nang makita ko ang isang ito na kuha ko ilang taon na rin ang nakaraan….
Isang umaga ay naglakad ako sa pampang at ito ang aking namasdan, may kalayuan din sa kung saan ay bunhangin na tuyo na aking kinatatayuan. Napansin kong seryoso ang mamang ito at tila may binubusisi, habang sya ay nasa tubig!
Mula sa kanyang mga bitibit na sisidlang plastik ay kumukuha sya ng ‘bait’ na sya nyang ginagamit upang makahuli ng isda. Kung ako ang tatanungin ninyo, dahilang pinanood ko din sya ng ilang sandali, ay hindi naging matagumpay ang kanyang pangingisda sa paraang ito. Pero nakatutuwang hindi nya kinailangan ng mga mamahaling gadgets sa pangingisda upang may pagsidlan ng kanyang panghuli at nahuli!
Happy LP po sa inyong lahat!


