LP 123: INGAY (Noise)

October 28, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Maraming klaseng ingay sa ating paligid ang naghahatid sa atin ng iba’t ibang emosyon. Sanggol na umiiyak, nais mong patahanin. O ang kanyang hagikgik na saya ang dulot sa iyong puso na yakapin sya sa tuwa ang iyong gustong gawin. Kapwa matatawag na ‘ingay’ subalit depende na ito sa indibidwal na nakakarinig, hindi po ba?

Malakas na bulungan o usapan sa loob ng sinehan ng iyong mga katabi habang ikaw ay todo ang konsentrasyon sa iyong pinapanood.  ‘Shhhh’ wika mo sa kanila. O ang mga lasing (at hindi rin lasing) sa mga karaoke bars na iyong nadaraanan, nakakapika ba dahil para sa iyo ay wala sa tono ang kanyang rendition ng ‘My Way’ ni Frank Sinatra (nakupo ang iba ay binabaril na dahil sa awiting ito!) Ang “ingay” ba?

Ang truck ng bumberong rumaragasa sa kalye dahil may sunog – takot at pangamba ang hatid sa karamihan sa atin! ‘Sana naman ay walang malaking sunog na nagaganap. Sana naman ay walang mga nasaktan sa sunog na iyun!’ bulong mo sa sarili…..

O tara na, mag INGAY na tayo mga kasama! Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!!

Comments

16 Responses to “LP 123: INGAY (Noise)”
  1. upto6only says:

    like ko yung firetruck. ayoko ding nakakadinig ng tunog ng bumbero natatakot ako.

    Happy LP
    upto6only´s last [type] ..LP: Ingay

  2. luna miranda says:

    sabay dasal, sana di sa amin ang sunog!:p
    ako basta siren, lalo na pag gabi na, i need to check kung san banda yong siren.:p
    luna miranda´s last [type] ..Noise/Ingay LP and Thursday 2 Questions

  3. Pete Rahon says:

    Ito ang maingay na ambag para sa ating theme:

    http://peterahon.blogspot.com/2010/10/ingay-ng-tambol.html

    paanyaya din po – sali po kayo sa 2010 PEBA International Photo Contest

    http://www.facebook.com/home.php?#!/album.php?aid=250121&id=134794097973

    maingay na Huwebes sa lahat!
    Pete Rahon´s last [type] ..Ingay ng tambol

  4. Hmmm…oo nga no, bumbero at sanggol…lalo na yung baby pamangkin ko! Tawag ko sa kanya ay “tiny yet whiny!” Haha!
    fortuitous faery´s last [type] ..Litratong Pinoy 88: Ingay Noise

  5. Thess says:

    Gusto ko ang hagikgik ng sanggol, sabay yakap!

    Happy LP!

    ito naman ang entry ko Ingay

  6. nakakatakot talaga ang tunog ng bumbero..
    Ito po ang lahok ko: http://www.thesilentprincess.com/?p=885

    Happy LP!
    silentprincess´s last [type] ..LP Ingay Noise

  7. susme, nahirapan ako sa paghahanap ng magiging lahok ko ngayong linggo.

    ahahahaha

    maligayang huwebes, mga ka-LP
    anteros’ dominion´s last [type] ..Litratong Pinoy: INGAY

  8. ang cute ng laruan….na alala ko ang frustration ko na ma litratuhan ang “ube” truck sa binondo, ang fire truck na yun di lang pag may sunog nagiingay, maingay din yun sa fire prevention and awareness

    eto ang aking ma ingay na LP entry. visit lang
    Jay-agent112778´s last [type] ..LP 123 : Ingay noise

  9. Marites says:

    ang kyut naman ng trak ng bumbero na yan pero sa tunay takot ako diyan. maligayang LP!
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy113 Ingay Noise

  10. emarene says:

    Ganda naman ng laruan na yan! Is that part of a collection?

    Eto naman ang lahok ko – http://thisrandomness.blogspot.com/2010/10/litratong-pinoy-maingay.html

  11. carnation says:

    naku ang tagal ko nang hindi naka post sa LP. kakamiss … kaya eto uli ang post ko. http://sweetcarnation.blogspot.com/2010/10/lp-ingay-noise.html

    maingay nga talaga pagdumaan ang mga bumbero, alam na alam kaagad na sila yon.
    carnation´s last [type] ..LP: Ingay Noise

  12. christina says:

    ang cute parang laruan!

    heto po ang lahok ko sa linggong ito:

    http://stanmoisesjose.blogspot.com/2010/10/lp-123-ingay.html

    masayang Huwebes mga Ka-LP!

  13. Nathalie says:

    Lahat ay nakakadama ng pangamba kapag nakakarinig ng tunog ng trak ng bumbero.

    Ang gandang larawan.
    Nathalie´s last [type] ..Banda RitoBanda Roon Ingay for LP

  14. Dinah says:

    mas maganda ang trak mo ng bumbero, pero sigurado ako, mas maingay ang sa akin! he he!

    Ingay

  15. Yami says:

    Kinakabahan ako kapag nakakakita ng track ng bumbero lalo na kung makikita ko ito malapit sa area namin.di bale nang maingay basta makarating lang sila sa pupuntahan nilang lugar at masawata ang sunog.

    http://www.yamsfiles.com/2010/10/29/lp-ingay/
    Yami´s last [type] ..Friday Fills-in

  16. Shoshana says:

    That is noisy…made a mistake of buying my boys one and it just keeps going on and on. They had fun and I had to take aspirin. :)

    http://justsaythesewords.com/?p=54” rel=”nofollow”>More here.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge