LP 123: INGAY (Noise)
October 28, 2010 by T
Filed under General, LP entries
Maraming klaseng ingay sa ating paligid ang naghahatid sa atin ng iba’t ibang emosyon. Sanggol na umiiyak, nais mong patahanin. O ang kanyang hagikgik na saya ang dulot sa iyong puso na yakapin sya sa tuwa ang iyong gustong gawin. Kapwa matatawag na ‘ingay’ subalit depende na ito sa indibidwal na nakakarinig, hindi po ba?
Malakas na bulungan o usapan sa loob ng sinehan ng iyong mga katabi habang ikaw ay todo ang konsentrasyon sa iyong pinapanood. ‘Shhhh’ wika mo sa kanila. O ang mga lasing (at hindi rin lasing) sa mga karaoke bars na iyong nadaraanan, nakakapika ba dahil para sa iyo ay wala sa tono ang kanyang rendition ng ‘My Way’ ni Frank Sinatra (nakupo ang iba ay binabaril na dahil sa awiting ito!) Ang “ingay” ba?
Ang truck ng bumberong rumaragasa sa kalye dahil may sunog – takot at pangamba ang hatid sa karamihan sa atin! ‘Sana naman ay walang malaking sunog na nagaganap. Sana naman ay walang mga nasaktan sa sunog na iyun!’ bulong mo sa sarili…..
O tara na, mag INGAY na tayo mga kasama! Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!!


