LP 117: 2 (two, dalawa)

September 16, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Magandang Huwebes sa inyong lahat! Welcome back po sa inyo, sa ating lahat! Ipagpaumanhin ninyo ang biglaang pagkaka-ampat ng ating lingguhang pagsasama-sama. Hindi naman po tayo basta-basta magaanunsyo ng bakasyon nang walang sapat na dahilan kung nagtataka po ang iba sa inyo. Lamang po ay pumanaw ang aking ama (admin) at kinakailangan ko lamang makabawi’t ipahinga ang bigat ng naramdaman sa dibdib.

Pero ngayon po ay heto na naman tayo at muling magkakasama tuwing Huwebes kaya’t simulan na natin ang saya, handa na ba kayo?!

Ayon sa Bibliya,  Genesis 6:15 , nasasaad na ang Arko Ni Noah ay may dimensyon ng humigit-kumulang sa 135 metro ( 450 feet long)  sa haba, 22,5 metro (75 feet) sa  luwang, at 13,5 metro  (45 feet) sa taas.

Nai-imagine nyo po ba kung gaano kalaki ito? Sinasabi rin na mas maaring malaki pa ang Arko keysa sa bilang na ito.

Dito po mismo sa lugar namin (Dordrecht, Holland), si Ginoong  Johan Huibers ay nagpasyang gumawa ng Arko na kasing laki ng nasabing arko sa bibliya. Ninanais ni G. J. Huibers na  maraming makaalam sa bibliya at ang nangyaring baha. Nais din niya na ang Arko ay maglayag sa mga dagat sa buong mundo! Sinimulan ang paggawa noong huling parte ng nakaraang taon at tinatayang magiging bukas ito sa publiko sa 2012 Summer Olympics sa London.

Dahilan nasa isang pribadong lugar ito ginagawa ay napapaligiran ito tubig (kabilang parteng hindi po nakikita sa larawan) at lupain sa harap at ng mga rehas. Halos  2 sigurong football field ang layo nito mula sa aking kinaroroonan, isiningit ko na lamang ang lente ng camera sa pagitan ng mga rehas. Paki click nyo lamang ang mga larawan upang lumaki. Sa unang larawan ay nakikita nyo ba ang crane sa parteng kaliwa? Halos magkasing taas lamang ang dulo ng makinarya sa bubong ng arko!

Sa ikatlong larawan ay inyong nakikita ang parteng gitna ng arko na kung saan ay naroon ang pinto na sinasabing ginamit ng pares-pares (babae at lalaki) na uri ng hayop na isinakay ni Noah at ng kanyang pamilya sa Arko. Opo, kasya ang elepante sa pintong yan, at talaga naman malaki!

Narito naman ang kabilang dulo ng arko na kasalukuyang tinatapos.

Naka post na po online ang mga larawan na kuha sa loob ng Arko na ito, kung nais ninyo makita ay sundan lamang ang link na ito.

Ang Arko ni Noah. Arko na pang-dalawahan.

« Previous PageNext Page »