LP 118: Makapal
September 23, 2010 by Lino
Filed under LP entries
Maligayang araw mga ka litratista, narito ang aking bahagi para sa tema sa linggong ito…”Makapal” (thick)
Kuha ito sa loob ng kuweba sa Kapalong Davao Del Norte. Total darkness po sa loob ng kuweba, ang mga ilaw lang galing sa aming skull guard at flash light na aming dala ang tangi naming ilaw sa loob.
Para makakuha ng ganito larawan, inilagay ko ang aking camera sa tripod, nag prefocus sa pamamagitan ng flashlight, inilgay sa long shutter exposure ang camera, after clicking the shutter button ng camera, tsaka ko pina ilaw ang aking flash ng ilang beses para mailawan ang mga parte ng kuweba na gusto kong makuhanan.
Sana ay inyong nagustuhan ang larawan, at nawa’y meron din kayong konting natutunan.
Maligayang araw ng huwebes mga kasama…


