Magandang magandang Huwebes ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat! Isa na namang Huwebes ng pagtitipon upang ipamalas ang ating kanya-kanyang interpretasyon ng ‘Manipis (thin)’. Ito po ang sa akin.
Ang souvenir ‘crystal’ ( ang mga tindero at tindera ay yan ang sinasabi sa mga turistang bumibili nito, pero ito po ay pulidong glass lamang) na ito ay may taas na 3 inches. Hindi po ako eksperto subalit sa tingin ko ay sadyang napakanipis na dulo ng karayom ang ginamit na panglilok sa imahe ng Eiffel tower at ‘Paris’ .
Halos sa lahat ng malalaking ciudad sa Europa ay makakatagpo ng ganitong souvenir, marami ay ibinebenta sa kalsada at kung turista ka ay tiyak naman na mapapabili ka dahilan sa ma-a-appreciate mo ang kagandanhan ng pagkakagawa sa kanila at magandang pang-display sa bahay
O siya, patingin naman ng inyong interpretasyon ng ‘Manipis’ !

ang ganda nga at ang galing ng gumawa nito. dahil mamamangha ka sa ganda tyak ngang mapapabili ka nito
Happy LP
upto6only´s last [type] ..LP- Manipis
hmmm kaya kaya nila ang Mt.Rushmore o ang Taj Mahal =))
malikhain ang kanilang kamay. di pwede ang pasmado kasi makikita kahit na manipis na mali
eto aking LAHOK…kita kits sa blog nyo
Jay-agent112778´s last [type] ..LP 119 – Manipis thin
3 for 1 euro po ang mga yan sa tabi ng Sacré-Cœur sa Montmartre, pero pagdating naman sa gilid ng Eiffel ay nagiging 50 cents to 1 euro na. Ang galing nga po pagkakagawa nyan.
Eto po naman ang lahok ko: http://siteseer.blogspot.com/2010/09/thin-but-deadly.html
HAPPY LP to everyone !
Doc Emer´s last [type] ..Thin But Deadly
bagay nga naman talaga and style ng souvenier na yan sa Eiffel Towel – delicate and romantic. Nice!
emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Manipis Thin
hi
ito po ang aking lahok.
anteros’ dominion´s last [type] ..Litratong Pinoy- MANIPIS
oohlala =] sining talaga ang paggawa ng souvenir na yan =]
sining din ang nasa likod ng lahok ko sa linggong ito =] sakay na!
maligayang huwebes sa lahat =]
ian´s last [type] ..Litratong Pinoy- MANIPIS Thin
ang galing naman ng pagkagawa dyan..
peachkins´s last [type] ..LP- Manipis Thin
ang ganda nman niyan..may kapatid ba yan?
maligayang LP!
Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy109 Manipis Thin
Ang ganda! Matagal kaya ginawa yan? Medyo madugo siguro yan, hehehe.
Manipis na petal ng pink na bulaklak ang aking lahok.
Happy Thursday sa lahat!
julie´s last [type] ..Bulaklak
Mukhang madugo nga ang paggawa niyan. Kailangang sangkatutak na patience at steady ang kamay ng gumagawa niyan.
Ang lahok ko naman ngayong linggo ay pinagsamang makapal at manipis. Kayo na po ang humusga
Magandang Huwebes sa ating lahat!
Sreisaat Adventures´s last [type] ..Wordless Wednesday 093- Sreisaat and the giant rose
Ang galing naman ng gumawa niyan! Nakakabilib!
Eto po ang aking “Manipis” na litrato:
http://shutterhappyjenn.blogspot.com/2010/09/manipis-thin.html
ShutterHappyJenn´s last [type] ..Manipis Thin
Tama si Teacher Julie, mukhang madugo nga ang pag-gawa ng ganyan. Steady hands at patience ang kailangan.
Pinagsamang makapal at manipis naman ang lahok ko ngayong linggo =)
Sreisaat Adventures´s last [type] ..Litratong Pinoy 42 and 43- Ang makapal thick at ang manipis thin
Napakagandang souvenier item naman niyan.
Ito po ang aking lahok ngayong linggo na ito
http://halie-photohunts.blogspot.com/2010/09/manipis-thin-lp.html
Nathalie´s last [type] ..Manipis – Thin LP
etched glass ba ito? magandang souvenir.
luna miranda´s last [type] ..LP- Manipis thin
ang galing! sana may magpasalubong sa akin niyan
heto po ang aking lahok: http://prettystepdaughters.blogspot.com/2010/09/lp-119-manipis.html
ang ganda! pupunta ako dun someday to buy something like that.
kung tatanda nalang ako at di pa nakapunta sana meron nalang mag pasalubong sa akin ng ganyan.
maligayang Huwebes sa lahat.
Arlene´s last [type] ..LP – Manipis Thin
Ang galing ng pagkakagawa niyang souvenir.
Yami´s last [type] ..LP- Manipis Thin
Matagal po akong namahinga sa litratong pinoy at sa aking pagbabalik eto po ang aking lahok..
http://www.thesilentprincess.com/?p=710
silentprincess´s last [type] ..LP- Manipis Thin