LP 117: 2 (two, dalawa)
September 16, 2010 by admin
Filed under General, LP entries
Magandang Huwebes sa inyong lahat! Welcome back po sa inyo, sa ating lahat! Ipagpaumanhin ninyo ang biglaang pagkaka-ampat ng ating lingguhang pagsasama-sama. Hindi naman po tayo basta-basta magaanunsyo ng bakasyon nang walang sapat na dahilan kung nagtataka po ang iba sa inyo. Lamang po ay pumanaw ang aking ama (admin) at kinakailangan ko lamang makabawi’t ipahinga ang bigat ng naramdaman sa dibdib.
Pero ngayon po ay heto na naman tayo at muling magkakasama tuwing Huwebes kaya’t simulan na natin ang saya, handa na ba kayo?!
Ayon sa Bibliya, Genesis 6:15 , nasasaad na ang Arko Ni Noah ay may dimensyon ng humigit-kumulang sa 135 metro ( 450 feet long) sa haba, 22,5 metro (75 feet) sa luwang, at 13,5 metro (45 feet) sa taas.
Nai-imagine nyo po ba kung gaano kalaki ito? Sinasabi rin na mas maaring malaki pa ang Arko keysa sa bilang na ito.
Dito po mismo sa lugar namin (Dordrecht, Holland), si Ginoong Johan Huibers ay nagpasyang gumawa ng Arko na kasing laki ng nasabing arko sa bibliya. Ninanais ni G. J. Huibers na maraming makaalam sa bibliya at ang nangyaring baha. Nais din niya na ang Arko ay maglayag sa mga dagat sa buong mundo! Sinimulan ang paggawa noong huling parte ng nakaraang taon at tinatayang magiging bukas ito sa publiko sa 2012 Summer Olympics sa London.
Dahilan nasa isang pribadong lugar ito ginagawa ay napapaligiran ito tubig (kabilang parteng hindi po nakikita sa larawan) at lupain sa harap at ng mga rehas. Halos 2 sigurong football field ang layo nito mula sa aking kinaroroonan, isiningit ko na lamang ang lente ng camera sa pagitan ng mga rehas. Paki click nyo lamang ang mga larawan upang lumaki. Sa unang larawan ay nakikita nyo ba ang crane sa parteng kaliwa? Halos magkasing taas lamang ang dulo ng makinarya sa bubong ng arko!
Sa ikatlong larawan ay inyong nakikita ang parteng gitna ng arko na kung saan ay naroon ang pinto na sinasabing ginamit ng pares-pares (babae at lalaki) na uri ng hayop na isinakay ni Noah at ng kanyang pamilya sa Arko. Opo, kasya ang elepante sa pintong yan, at talaga naman malaki!
Narito naman ang kabilang dulo ng arko na kasalukuyang tinatapos.
Naka post na po online ang mga larawan na kuha sa loob ng Arko na ito, kung nais ninyo makita ay sundan lamang ang link na ito.
Ang Arko ni Noah. Arko na pang-dalawahan.






Naku, condolence sa pagpanaw ng inyong ama. Sana’s bigyan ng lakas ng loob ang inyong buong pamilya sa panahong ito upang makaraos kayo sa pagdadalamhati. Siya’y mananatiling buhay sa mga ala-alang iniwan niya sa inyong mga puso.
Kahanga-hanga namang may ginawa ngang totoong arko! Hindi lang sia Bible story ngayon kundi tunay na bagay!
fortuitous faery´s last [type] ..Litratong Pinoy 85- Dalawa Two
Salamat sa pakikiramay. Tama ka, mananatiling buhay ang lahat ng ala-alang iniwan nya.
Huwaw! Ang laki, parang life size. Puntahan ko mamaya ang link para makita ang loob.
Ebie´s last [type] ..Litratong Pinoy- Dalawa 2
welcome back! (brb comment uli ako later lol)
gizelle´s last [type] ..Dalawa Two
Welcome back everyone, na miss ko kayo
Kung iisipin natin, bakit nga ba pares (2) na uri ng hayop ang ipinakarga ng Panginoon kay Noah? Bakit hindi 4 o 6?
Happy LP!
glad it’s back! (and i’m back, hehe). tita thess, sa tingin ko dalawahan (babae at lalaki) ang mga hayop na nilagay sa arko para may mag-continue ng lahi! =)
Iris´s last [type] ..worship lp
condolence po at welcome back sa atin.
ang ganda naman. Sana nagamit natin yan nung panahon ng Ondoy :p
Magandang Huwebes
upto6only´s last [type] ..LP- Dalawa
nakikiramay po ako
bago lang po ako rito at sinubukan makisali (kahit hindi lumabas yung photolink sa post ko)
narito po ang entry ko
http://iamjustlurkingaroundthecorner.blogspot.com/2010/09/litratong-pinoy-dalawa.html
anteros’ dominion´s last [type] ..litratong pinoy- dalawa
nakikiramay po ako ng taos puso… napakaganda ng iyong mga larawan… parang nagpapahiwatig na kahit ano pang unos ang daanan natin sa buhay, mayroon tayong maaasahang magliligtas sa atin sa gitna ng matitinding pagsubok…
welcome back na din po sa ating lahat…
narito ang aking lahok sa linggong ito:
http://teystirol.com/2010/09/16/lp-dalawa-two/
ang nagbabalik din,
teys
Napaka unique na idea naman, am sure it will be a hit pag tapos na.
Eto naman ang lahok ko http://thisrandomness.blogspot.com/2010/09/litratong-pinoy-dalawa-two.html
emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Dalawa Two
hugs uli…
Tita t: may 2 at mayroong merong 7…2 sa madumi at 7 sa malinis…ung pasobra sa 7 ay inihain sa altar.
sa ibinigay mong sukat ay talagang iyan ang laki ng arka na ginawa ni Noa na may volume n 40,000 cubic mtrs…maraming nagtatanong at nagtatakasa disenyo ng arkang ito pero kaya simple na parang kahon lamang ay dahil ang tanging ‘purpose’ nya ay lumutang lamang(walang navigation).
at dahil sa modernng mga gamit ay hindi inabot ng 50-60 years gaya ni Noe…love this entry! hope to see it live
gizelle´s last [type] ..Dalawa Two
ay mali ang basa ko. binigay mo pala yug totoong sukat hehe…
gizelle´s last [type] ..Dalawa Two
Welcome back to LP and Condolence to you mars.
I already posted my two boys.
Willa @ PixelMinded´s last [type] ..LP69- Dalawa Two
Maligayang pagbabalik sa lahat ng LP at sa iyo din, Boss.
Eto po ang lahok ko — http://siteseer.blogspot.com/2010/09/two.html
HAPPY LP!
Doc Emer´s last [type] ..Two
Wow! Ang ganda ng mga litrato sa loob ng arko. I checked the link.
Ebie´s last [type] ..Litratong Pinoy- Dalawa 2
sana, kahit papaano, maibsan ng lingguhang LP ang bigat na nadarama ninyo ngayon, admin =] salamat sa pagbabahagi ng inyong panahon sa ating lingguhang pagtitipon =] nasa mas mabuti na siyang lugar ngayon =]
–==+==–
*happily reporting for LP duty =]*
ian´s last [type] ..Litratong Pinoy- DALAWA Two
Kumusta ka na admin? Nawa ay ikaw at ang iyong pamilya ay nasa mabuting kalagayan.
Maganda ang arko, sana pwede iyan gamitin sa pagdating ng unos, kagaya ng nasa entry ko.
Maligayang Huwebes po sa ating lahat!
Julie´s last [type] ..Ondoy
Pareho pala tayo, kamamatay lang din ng aking ama noong Agosto. Condolence!
Ang galing naman ng proyektong Arko yan. Ano kaya ang ilalagay niyan sa paglalayag. maligayang pagbabalik!
Ms. Thess, sa uulitin ako ay nakikiramay. Sana ay patuloy kang bigyan ng lakas ng loob ng Panginoon upang kahit papano ay maibsan ang iyong kalungkutan at bigat ng loob.
Nagbabalik rin ako sa LP ngayong linggo at ang 2ng borloloy sa bahay ang isinali ko. Pwede na silang sumakay dun sa arko
Naalala ko rin yung pelikulang Evan Almighty pagkakita ko ng litrato mo!
Condolence po.
Napakagandang arko, naiibang pagsasalarawan ng tema.
Welcome back sa ating lahat.
-nathalie
Nathalie´s last [type] ..Two as One LP Entry
Condolence po.
Napakagandang arko, naiibang pagsasalarawan ng tema.
Welcome back sa ating lahat.
http://halie-photohunts.blogspot.com/2010/09/two-as-one-lp-entry.html
-nathalie
Nathalie´s last [type] ..Two as One LP Entry
Condolence, Thess and it’s good to see ya back! It’s nice to see LP up again.
Ang laki pala ang ark ni Noah. Sana makasakay ako nyan. Am wondering din if pasakyan ba yan ng mga animals pag yan ay natapos na.
Maligayang LP sa lahat!
Arlene´s last [type] ..LP – Dalawa Two
yey, welcome back everybody!*hugs*
what an amazing project! pati ba ang construction ng arko ni Noah ay ginaya na walang pako? wow, i’ll be watching ut fo the launching of this arc.
pagtyagaan nyo mna ang aking post…i forgot to bring my USB.:(
luna miranda´s last [type] ..Malingay Cove
ay, bakit nawala ang comment ko?!
welcoma back everyone!
luna miranda´s last [type] ..Malingay Cove
Welcome back sa ating lahat and My condolonces to you..
peachkins´s last [type] ..LP- 2 two- dalawa
welcome back mga ka-LP
bigla kong na alala ang pelikulang “2012″.
eto naman ang aking lahok sa themang ito
Jay-agent112778´s last [type] ..LP 117 – Dalawa two
Maligayang pagbabalik mga ka-LP! Condolences muli sa iyo, T! Alam ko ang bigat ng iyong pinagdaanan (at patuloy na pinagdaraanan) dahil dinaanan ko na rin yan.
Naka-post na po ang aking lahok.
ShutterHappyJenn´s last [type] ..Dalawa Two
Welcome back everyone!
Narito ang aking bahagi para sa linggong ito…
http://linophotography.com/lp-2-two-dalawa/
Happy LP!
Lino´s last [type] ..LP- 2…two- dalawa
syempre pa ang tagal kong nagisip kung ano ang kinalaman nito sa tema hahaa! great take!:)
ces´s last [type] ..it takes 2
Bago ang lahat condolence po muna sa inyo admin. At maligayang pagbabalik naman po sa LP.
Ang husay ng pagkakagawa ng arko. masilip nga ang loob nito.
Dito naman po ang lahok ko.
http://www.yamsfiles.com/2010/09/16/lp-dalawang-uod-two-caterpillars/
Yami´s last [type] ..LP- Dalawang uod two caterpillars
happy pagbabalik sa LP.
aww..condolence po ha..
mabisita nga mamaya yung link. astig talaga yung noah’s ark.
yeye´s last [type] ..LP 117 – Two is better than one