LP 119: Manipis (Thin)
September 30, 2010 by T
Filed under General, LP entries
Magandang magandang Huwebes ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat! Isa na namang Huwebes ng pagtitipon upang ipamalas ang ating kanya-kanyang interpretasyon ng ‘Manipis (thin)’. Ito po ang sa akin.
Ang souvenir ‘crystal’ ( ang mga tindero at tindera ay yan ang sinasabi sa mga turistang bumibili nito, pero ito po ay pulidong glass lamang) na ito ay may taas na 3 inches. Hindi po ako eksperto subalit sa tingin ko ay sadyang napakanipis na dulo ng karayom ang ginamit na panglilok sa imahe ng Eiffel tower at ‘Paris’ .
Halos sa lahat ng malalaking ciudad sa Europa ay makakatagpo ng ganitong souvenir, marami ay ibinebenta sa kalsada at kung turista ka ay tiyak naman na mapapabili ka dahilan sa ma-a-appreciate mo ang kagandanhan ng pagkakagawa sa kanila at magandang pang-display sa bahay
O siya, patingin naman ng inyong interpretasyon ng ‘Manipis’ !


