LP 112: Teknolohiya

July 1, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Technology o Teknolohiya .

Mula sa tagalog wikipedia:

“Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.”

May ilan sa atin na dati ay bumibili pa ng  film para sa kanilang mga camera kapag may gustong kuhanan na mga event gaya ng kasalan, fiesta, binyag , bakasyon atbp.  Naalala nyo pa ba ang bilang ng ASA  dahil depende ito sa panahon at lugar na inyong gusto kunan? Dahil sa pag-abante sa teknolohiya ang mga film camera ay unti-unti ng napalitan ng kasalukuyang DSLR. Ngayon ay naka set sa automatic lang ang camera ay nakakapagpamalas na ng naggagandahang larawan.Salamat sa teknolohiya, salamat sa mga taong nag-isip at patuloy na  nag-iisip ng ating ika-aabante pa.

Subalit marami pa ring mga professional at amateur photographers na nakasanayan ang pag-gamit ng film camera na hindi sumasabay sa pag daloy ng pagbabago. Bakit naman hindi? Kung mas naipamamalas nila ang kanilang husay sa potograpiya sa pamamagitan ng pag-gamit ng kanilang film camera, saludo po tayo sa kanila, sa kanilang husay!

Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

« Previous Page