LP 113: Disiplina

July 8, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Maligayang araw ng Huwebes mga kasama! Kamusta naman ang buhay natin? Kung nasa hindi man kagandahan kayong kalagayan, laging isipin na ang lahat ng bagay ay loob ng Diyos.

Sa linggong ito ay magiging panauhin natin si Doc Emer ng Sight Seer at Parallel Universes. Kung nais nyo din na maging tampok na litratista sa mga susunod pang Huwebes ng Hulyo ay maaari kayong makipag-ugnayan sa akin.

Halina at tunghayan natin ang lahok sa linggong ito na may temang Disiplina/Discipline!

~

Nais mo bang ma-disiplina?

Ayon sa isang dating pangulo ng Pilipinas, disiplina daw ang kailangan para umunlad ang bayan. Ano ba ang disiplina? Ang disiplina ay tagubilin o kalupunan ng mga tagubilin na ibinibigay sa balana upang magkaroon ng kaayusan. Kadalasan, ayaw ng karamihan ng disiplina, sapagkat ito ay utos na ipinipilit upang baguhin ang isang ugali na nakakapagdulot ng kasamaan.

Sa mga sumusunod na larawan, ipapakita ko ang iba’t-ibang mukha ng disiplina na nakita ko na…

Kuha ito sa isang gawaan ng alahas sa Bangkok, Thailand. Makikita dito ang maingat na paglilinang ng manggagawa ng paglalagyan ng mamahaling bato ng ruby at diamante.

Ito ay isang stolen shot. Napakalayo niya subalit sapat na ang magandang musika na naggagaling sa violin niya para ilabas ko ang aking camera at kuhanan siya. Pachelbel’s Canon in D Major ang tinutugtog niya. Kuha ito sa Lobby Lounge ng Shangri-la Hotel sa Makati noong nakaraang Pista ng Pagkabuhay.

Kailangan ng disiplina ng mga bantay ng palasyo ng Kyongbok sa Seoul, Timog Korea. Bawal silang magpahinga o gumalaw habang binabantayan nila ng pinto ng palasyo.

« Previous PageNext Page »