LP 116: Gusto/Ginusto
July 29, 2010 by R
Filed under LP entries

Isa sa mga bagay na gusto kong magkaroon ay ang Bonsai. Nakatutuwang pagmasdan kung paanong ang isang maliit na halaman ay nagiging mukhang matayog na puno. Ngunit kahit gusto kong magkaroon nito, ang pagbili ay malayo sa aking hinagap dahil bukod sa mahal na halaga ng mga ito, nais kong ako ang mismong maghuhubog nito.
Nakikita ko ang pagbo-bonsai na isang gawaing nangangailangan ng mahabang pasensya. Ito ay isang gawaing puno ng paghihintay at pagpupursigi. Mga katangiang alam kong kulang sa akin. Kaya sa susunod na buwan ay akin ng sisimulang hubugin ang kauna-unahan kong Bonsai.
~
MAHALAGA!
Isa sa mga bagay na hindi ginusto ng pamunuan ng Litratong Pinoy ay ang pagkakaroon ng maikling “break” sa ating palaro. Ngunit may mga ilang pangyayari na hindi inaasahan kaya’t pansamantalang isususpindi ang mga tema sa buwan ng Agosto. Aming ia-anunsyo sa mga dadating na linggo ang mga tema para sa pagbabalik natin sa Setyembre.
Maging mabunga nawa ang bawat isa hanggang sa muli nating paglalaro.


mahilig din po sa bonsai ang nanay ko^^ maganda nga pong pan-display yan sa bahay..
goodluck po sa paggawa ng bonsai!^^
happy LP sa inyo! wala palang themes for August, sayang naman.. see you na lang po ulit sa September!^^
karmi´s last blog ..LP- Gusto
Magandang pang display ang bonsai sa bahay.
Mamimiss ko ang LP! Sa muling pagkikita!
Happy LP!
Ito ang lahok ko: http://sweetbitesbybang.com/2010/07/lp-gusto/
bang´s last blog ..LP- Gusto
Happy LP!
Nandito ang lahok ko.
JO´s last blog ..Litratong Pinoy- Gusto-ginusto to like- to desire
Magandang hobby yan, ang pagbo-bonsai, siguradong nakaka-alis ng stress. Nakakita ka na ba ng Bansoy? Pinoy version ng bonsai?
Sino ang may GUSTO ng libreng mobile internet sa Biyernes? details sa aking entry.
Happy Thursday!
Julie´s last blog ..Smart Communications- Inc TGIFreeday- SmartMobile Free Internet Day
gusto ko rin ang bonsai noon pa, iyong nga lang mahal siya.Naku, wala pala tayong laro ngayong Agosto? mami-miss ko ang LP!
Marites´s last blog ..Litratong Pinoy106 Gusto Like-Want-Desire
Happy LP!
Mine is now up and i will be back to blog hop later. =)
Enjoy the day, Ka LP!
magandang hobby yan…at pwede pang pagkakitaan!!
eto po ang mga lahok ko…gandang huwebes!
http://scroochchronicles.com/?p=2595
http://momsamamarazzi.com/?p=139
COOKIE´s last blog ..LP – Gusto Kong Lumipad
Wala akong sapat na kaalaman sa paghubog ng bonsai kaya hindi ko nais ang magkaroon nito. Siguro kasi wala rin akong masyadong hilig sa paghahalaman.
Naka post na ang aking lahok sa linggong ito.
Jenn´s last blog ..Gusto Desire
Naku, gusto ko din matutunan dahil siempre iba pag sarili mong gawa.
Pero ito lang ang Gusto ko para sa buhay ko.
Dinah´s last blog ..Watery Wednesday- Boracay
may bonsai phase ang brother ko noon at akala namin kakaririn nya ang pagbo-bonsai.:p amazing ang bonsai, ang ganda.
heto ang Gusto ko…sana di pa huli.:p
luna miranda´s last blog ..LP- Gusto-Ginusto
We had a bonsai before, but we never got to keep it since we didn’t know how to take care of it.

Halie´s last blog ..Gusto – Like
ay kaloka
may season break.sa anu pamang dahilan sana magawan ng solusion agad.
gusto ko rin ng bonsai kaso mahirap daw alagaan kaya di ko na sya gusto
and aking lahok…kita kits sa september
jay-agent112778´s last blog ..LP 116 – Gusto-Ginusto want-wanted
Hi. Gusto ko rin ang bonsai dekorasyon sa bahay. Ah wala palang tema para susunod na buwan… aabangan ko ang pagbabalik ng LP!
http://www.yamsfiles.com/2010/07/30/litratong-pinoy-gusto-want/
Yami´s last blog ..Looking good
ako rin ay gusto ko ng bonsai! bihira lang dito, pero meron naman…ang ganda ng larawan!syempre pa:)
ces´s last blog ..we shall return
magandang huwebes po. kaytagal ng panahon at ngayon lang po ulit nagblog. nakakamis din pala. kayganda hobby yan nakakarelax din ang halaman.