LP 113: Disiplina

July 8, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Maligayang araw ng Huwebes mga kasama! Kamusta naman ang buhay natin? Kung nasa hindi man kagandahan kayong kalagayan, laging isipin na ang lahat ng bagay ay loob ng Diyos.

Sa linggong ito ay magiging panauhin natin si Doc Emer ng Sight Seer at Parallel Universes. Kung nais nyo din na maging tampok na litratista sa mga susunod pang Huwebes ng Hulyo ay maaari kayong makipag-ugnayan sa akin.

Halina at tunghayan natin ang lahok sa linggong ito na may temang Disiplina/Discipline!

~

Nais mo bang ma-disiplina?

Ayon sa isang dating pangulo ng Pilipinas, disiplina daw ang kailangan para umunlad ang bayan. Ano ba ang disiplina? Ang disiplina ay tagubilin o kalupunan ng mga tagubilin na ibinibigay sa balana upang magkaroon ng kaayusan. Kadalasan, ayaw ng karamihan ng disiplina, sapagkat ito ay utos na ipinipilit upang baguhin ang isang ugali na nakakapagdulot ng kasamaan.

Sa mga sumusunod na larawan, ipapakita ko ang iba’t-ibang mukha ng disiplina na nakita ko na…

Kuha ito sa isang gawaan ng alahas sa Bangkok, Thailand. Makikita dito ang maingat na paglilinang ng manggagawa ng paglalagyan ng mamahaling bato ng ruby at diamante.

Ito ay isang stolen shot. Napakalayo niya subalit sapat na ang magandang musika na naggagaling sa violin niya para ilabas ko ang aking camera at kuhanan siya. Pachelbel’s Canon in D Major ang tinutugtog niya. Kuha ito sa Lobby Lounge ng Shangri-la Hotel sa Makati noong nakaraang Pista ng Pagkabuhay.

Kailangan ng disiplina ng mga bantay ng palasyo ng Kyongbok sa Seoul, Timog Korea. Bawal silang magpahinga o gumalaw habang binabantayan nila ng pinto ng palasyo.

Comments

18 Responses to “LP 113: Disiplina”
  1. upto6only says:

    ang lalim ng kahulugan ng disiplina. pero tama naman ang sabi ng ating pangulo, isa sa paraan upang tayo ay umunlad ay ang pagkakaroon ng disiplina. Marahil ito ang kulang sa atin.

    ganda ng iyong kuha lalu ng sa ikatlong larawan. seryosong seryoso ang gwardiya sarap kilitiin hehehe

    maligayang LP
    upto6only´s last [type] ..LP- Disiplina

  2. emarene says:

    Inabangan ko talaga ang pagiging guest photographer ni Doc Emer dito sa LP! Buti naman at di naman natagalan. Like ko yung reflection ng guard sa last picture. well done.
    emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Disiplina

  3. luna miranda says:

    ang gaganda ng mga litrato lalo na ang bantay ng palasyo. mahirap na trabaho, aside from the responsibility, nakatayo pa ng matagal at parang bawal ngumiti.:p
    luna miranda´s last [type] ..LP- Disiplina discipline

  4. Doc Emer says:

    Maraming salamat po sa pagbibigay ng pagkakataon na makasali ulit ako dito sa LP bilang panauhing litratista. Nagpapasalamat po ako ng lubos kay Boss T at kaibigang R.

    Maraming salamat po din sa magaganda ninyong sinabi tungkol sa mga larawan sa itaas. Meron pa po akong isang larawan, pero kabaligtaran naman po ito…naisip ko po kasi, that the best way to learn discipline might be to see the an effect of no discipline.

    Eto po yun: http://siteseer.blogspot.com/2010/07/without-discipline.html

    Happy LP po sa inyong lahat at Happy Hueves na din! :)
    Doc Emer´s last [type] ..Without Discipline

  5. ces says:

    ang hirap talgang maging gwardiya ano, lalo na ang mga iyan na nasa mga palasyo..love the photos Doc!
    ces´s last [type] ..Litratong Pinoy- disiplina

  6. Arlene says:

    great photos to reflect on the theme!

    ang galing galing nga bawat isa sa litrato.

    happy LP sa lahat!
    Arlene´s last [type] ..LP – Disiplina Discipline

  7. Doc Emer says:

    Maraming, maraming salamat po sa pagkakataon na makaniig muli kayo, at maibahagi ang ilan sa aking mga piling larawan. Maraming salamat din po kay Boss T at kaibigang R.

    Minsan para tayo matuto ng disiplina ay kailangan makita natin ang epekto nito.

    Eto naman po ang personal kong lahok: – http://siteseer.blogspot.com/2010/07/without-discipline.html

    Happy LP muli sa inyong lahat! :-)
    Doc Emer´s last [type] ..Without Discipline

  8. Dinah says:

    true, kailangan ng disiplina para mahasa ang talento.
    Dinah´s last [type] ..Litratong Pinoy- Disiplina

  9. Thess says:

    Doc Emer, salamat po ng marami.

    I wont be able to join you today and perhaps the coming weeks, just dropping by to wish you all Happy LP. Take care.

    Team LP, salamat sa suporta, you’re the best!

  10. Dinah says:

    pasensya na sa entry ko na ito at medyo pilit sa topic pero alam ko puede na din e, kasi mind over pain is discipline, right? :-)
    Dinah´s last [type] ..LP 113- Disiplina

  11. Manang Kim says:

    Ganda nang pagkakuha dito. Mine us up!

    LP~Disciplina
    Manang Kim´s last [type] ..Litratong PinoyDisciplina

  12. julie says:

    Ibang klase concentration at dedication ang nakikita sa kanila.

    Ang aking mga lahok naman ay nagpapakita ng kawalan ng disiplina sa daan ng dalawang mananakay ng motorsiklo.

    Happy Thursday po!
    julie´s last [type] ..Nagmo-Motorsiklo Ka Ba

  13. Halie says:

    Ang galing nagpapakita ng iba’t ibang disiplina at ang mga magagandang bagay na nagagawa kung meron nito.

    http://halie-photohunts.blogspot.com/2010/07/disiplina.html

  14. uyyyyy si Jumong :D ay mali si kapitan Jung Ho Min pala =) pwera biro ang ganda ng kuha mo sa Korean Guard at sa jeweler.

    eto ang akin, magandang araw
    jay-agent112778´s last [type] ..LP 103 – Disiplina disipline

  15. Doc Emer says:

    Maraming, maraming salamat po sa pagkakataon na makasali ulit dito sa LP! I was here last night but it seems my comments are not getting posted. May problema yata po ang broadband connection ko.

    Maraming salamat po ulit kay Boss T at kaibigang R!

    Eto po personal entry ko: http://siteseer.blogspot.com/2010/07/without-discipline.html

    Happy LP, everyone!! :)
    Doc Emer´s last [type] ..Without Discipline

  16. Marites says:

    Ang ganda ng ibig sabihin ng disiplina. kaso nga lang, parang ang hirap nating gawin. maligayang LP!
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy103 Discipline Disiplina

  17. ces says:

    mukhang di pumok ang unang comment ko ah…anyway…ganda ng mga pictures! happy
    ces´s last [type] ..Litratong Pinoy- disiplina

  18. ces says:

    happy LP!
    ces´s last [type] ..Litratong Pinoy- disiplina

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge