LP 112: Teknolohiya

July 1, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Technology o Teknolohiya .

Mula sa tagalog wikipedia:

“Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.”

May ilan sa atin na dati ay bumibili pa ng  film para sa kanilang mga camera kapag may gustong kuhanan na mga event gaya ng kasalan, fiesta, binyag , bakasyon atbp.  Naalala nyo pa ba ang bilang ng ASA  dahil depende ito sa panahon at lugar na inyong gusto kunan? Dahil sa pag-abante sa teknolohiya ang mga film camera ay unti-unti ng napalitan ng kasalukuyang DSLR. Ngayon ay naka set sa automatic lang ang camera ay nakakapagpamalas na ng naggagandahang larawan.Salamat sa teknolohiya, salamat sa mga taong nag-isip at patuloy na  nag-iisip ng ating ika-aabante pa.

Subalit marami pa ring mga professional at amateur photographers na nakasanayan ang pag-gamit ng film camera na hindi sumasabay sa pag daloy ng pagbabago. Bakit naman hindi? Kung mas naipamamalas nila ang kanilang husay sa potograpiya sa pamamagitan ng pag-gamit ng kanilang film camera, saludo po tayo sa kanila, sa kanilang husay!

Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Comments

22 Responses to “LP 112: Teknolohiya”
  1. karmi says:

    nakakamiss nga ang paggamit ng film sa pagkuha ng litrato:) mas nakikita kasi ang ganda ng lugar at galing ng photographer sa pagkuha ng litrato! :D

    ang LP po namin ngayong linggo ay gawa ni Arvin, na kahit na may email, YM at facebook na’y iba pa rin ang sayang dulot na makatanggap ng snail mail. :)
    karmi´s last [type] ..LP- One Message Received

  2. luna miranda says:

    mahal kasi ang film, kaya hirap magpakadalubhasa gamit ito.:p except kung marami kang pera syempre.:p
    luna miranda´s last [type] ..LP- Teknolohiya technology

  3. Manang Kim says:

    Ang canon kamera ko na di-film ay andito pa rin sa akin. I have to keep it because sooner or later maging instinct na ito ^_^ Mine is up!

    LP~Teknolohiya
    Manang Kim´s last [type] ..Little barn

  4. emarene says:

    Sa pagpasok ng digital mas dumami ang nagka hobby ng photography. medyo madali na lang kasi at mas mura. Salamat sa teknolohiya!
    emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Teknolohiya

  5. Doc Emer says:

    ASA 400 or ASA 200 po noon ang gamit ko sa mga Kodak cameras ko. Natatandaan ko pa din po yung flash bulbs na kelangan din bilhin para magkaroon ng liwanag sa pagkuha ng litrato sa madidilim na pagkakataon. Malaking tulong ang paglabas ng digital cameras na din na kelangan ng film ngayon.

    Eto po ang lahok ko — http://siteseer.blogspot.com/2010/07/apple.html

    Happy LP! :-)
    Doc Emer´s last [type] ..Apple

  6. Thess says:

    Medyo magastos lang talaga ang film camera I must admit, pero salamat sa lumang teknolohiya na ito dahil ang mga nakaraan na na-captured ko sa tulong ng films ay priceless!

    Happy LP! :D

    My entry

  7. Wala na yung film camera ko, binigay ko na sa ate ko nuong huli kaming umuwi. :)
    Willa @ PixelMinded´s last [type] ..LP68-Teknolohiya

  8. julie says:

    Ayan, gusto ko tuloy hiramin ulit ang camera ng tatay ko :D

    Isang silip sa isang araw ng aking trabaho gamit ang teknolohiya. Happy Huwebes!
    julie´s last [type] ..Harry Potter and the Deathly Hallows Trailer

  9. Eye says:

    Weet-weew, ang pogi ng lente! Nung panahon ng film, mas marami sa mga shots natin ang usable ano? Kung baga, mas mataas ang batting average :D Kaysa ngayong digital na, di na kasi nanghihinayang kaya shoot ng shoot hehe!
    Eye´s last [type] ..LP112- Teknolohiya Technology

  10. Marites says:

    buhay pa rin ang kamerang gumagamit ng film. na-miss ko tuloy ngayon:) maligayang LP!
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy102 Teknolohiya Technology

  11. peachkins says:

    Dati rati ang dami naming nauubos na film tuwing mamamasyal…kutakot-takot ang remembrance..
    peachkins´s last [type] ..LP- Teknolohiya

  12. Fhaye says:

    Malaki na nga ang pagbabagong nagawa ng teknolohiya. Kung gagamitin ko pa sa ngayon ang kamera na may film, mauubos ang pera ko. At kailangan ko pang limitahan ang pag-klik.
    Fhaye´s last [type] ..Teknolohiya

  13. Arlene says:

    Because of technology malaki na talaga ang pagbabago.

    Been using a filmed camera for many years. INfact all my pics in china were taken by a Ricoh filmed camera and i all love them! :)

    My interpretation of the theme is now up!

    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/06/lp-teknolohiya-technology.html

    Happy LP everyone!
    Arlene´s last [type] ..LP – Teknolohiya Technology

  14. Sa sobrang mahal magpa-develop ng film, pina-plano pa namin kung paano namin hahatiin ang 36 exp na film. Minsan inaabot ng ilang buwan bago maipa-develop kasi tinitipid talaga. Malaki ang pasalamat ko sa digital cameras, hirap kasi akong kumuha ng litrato noong de-film pa.

    Nakapost na rin ang lahok ko para sa linggong ito.
    ShutterHappyJenn´s last [type] ..Teknolohiya Technology

  15. Dinah says:

    tama ka, oo at merong mga pagbabago sa teknolohiya pero hindi masama na gamitin pa din ang nakasanayan na :-)
    Dinah´s last [type] ..Litratong Pinoy- Teknolohiya

  16. Dinah says:

    eto pa ang isa kong entry!
    Dinah´s last [type] ..LP 112- Teknolohiya

  17. bang says:

    Bihira na ang gumagamit ng mga camera with film. Nauso na kasi ang digital. Mas tipid ;)
    bang´s last [type] ..LP- Teknolohiya

  18. Nathalie says:

    Naalala ko pa yung una kong camera, film, compact pero dun ako nagsimula. Salamat sa pagpapaalala!

  19. na miss ko tuloy yung camera naming may film kaso ang mahal kasi ng baterya nun kaya eto ang aking lahok
    jay-agent112778´s last [type] ..LP 112 – Teknolohiya Technology

  20. Gizelle says:

    katuwa! Ako din buhay pa ang canon t60 na halos 20 years-old na…at ang yaschica na nahalungkat ko nung naglilinis nung isang araw. Namimiss ko na din ang magdevelop ng film sa darkroom…noong una ang tingin ko talaga sa digital photography pinapatay nito ang sining ng potograpiya…oh well, papel….

  21. JO says:

    ang galing talaga ng mga digital cameras… kuha ka lang ng kuha…
    JO´s last [type] ..Updates

  22. iska says:

    ang hirap din pag film… pag panget ang kuha (pano na ako? haha!) sayang :-) ngayon madali na :-)

    wow! pinakahihintay kong tema ng LP at naging kabisihan naman ako hindi tuloy ako nakasali. di bale…. sa sunod na lamang :-)
    iska´s last [type] ..School at the Top of the Hill

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge