LP 108: Pagbabago
June 3, 2010 by T
Filed under General, LP entries
PAGBABAGO o changes.
Dumarating sa buhay nating lahat ang pagbabago. Simula sa ating pagkabata, nang tayo ay unang tumuntong sa paaralan, ang mga pagbabago ay sadyang hindi na mapipigil pa. Mga pagbabagong humuhubog sa atin bilang tao.
Maraming uri ng pagbabago. May nakakabuti at mayroon ding nakakasama. Mayroon ding mga pagbabago na ating ninanais dahilan sa marami ang nasasalanta ng kasalukuyan o lumang pamamaraan.
Kagaya ng pagbabagong ninanais ng mga taong nasa likod ng mga karatulang nakikita ninyo. Isa lamang itong snapshot at mabilisang kuha talaga dahil ito ay nasa gitna ng kalsada. Nasa tapat ito ng Parliament building ng London. Sa ganitong uri ng nila ipinahayag ang pagbabagong ninanais nila. Ilang taon na rin ang nakaraan ng kunan ko ito at sana naman ay nakamtam nila ang pagbabagong hangad.
Magandang Huwebes ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!


