LP 110: Pagsusulit

June 17, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Ang tema para sa linggong ito ay tunay namang hindi naging madali para sa akin. Ito ay nagsilbing isang pagsusulit ng aking kakayahang maghalungkat sa aking alaala at sa pagiging malikhain. Mukhang mas nagtagumpay ang una kaysa sa huli…

Isa sa mga pinaka-iingatan kong dokumento ay ang resulta ng aking pagsusulit sa pagka-inhinyero ilang taon na ang nakalilipas. Ito ay itinuring kong isang pagpapala. Ngunit tunay namang hindi lahat ng pagsusulit ay nasa papel. Sa bawat araw ay nahaharap tayo sa sari-saring pagsusulit na magmamarka sa ating buhay depende sa ating isasagot. Dalangin ko na sana ay mas madalas nating mapili ang wasto. Ngunit kung magkamali man, maging daan ito sa mas lalong pagkatuto.

Maligayang Huwebes mga ka LP!

« Previous PageNext Page »