LP 110: Pagsusulit

June 17, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Ang tema para sa linggong ito ay tunay namang hindi naging madali para sa akin. Ito ay nagsilbing isang pagsusulit ng aking kakayahang maghalungkat sa aking alaala at sa pagiging malikhain. Mukhang mas nagtagumpay ang una kaysa sa huli…

Isa sa mga pinaka-iingatan kong dokumento ay ang resulta ng aking pagsusulit sa pagka-inhinyero ilang taon na ang nakalilipas. Ito ay itinuring kong isang pagpapala. Ngunit tunay namang hindi lahat ng pagsusulit ay nasa papel. Sa bawat araw ay nahaharap tayo sa sari-saring pagsusulit na magmamarka sa ating buhay depende sa ating isasagot. Dalangin ko na sana ay mas madalas nating mapili ang wasto. Ngunit kung magkamali man, maging daan ito sa mas lalong pagkatuto.

Maligayang Huwebes mga ka LP!

Comments

10 Responses to “LP 110: Pagsusulit”
  1. hirap naman ng mga subject na yan!
    Willa @ PixelMinded´s last [type] ..LP#66: Pagsusulit (Test,Exam)

  2. ces says:

    uy ngayon ko lang nalaman na Engineer ka pala ha:) may pagsusulit din ako sa lahok ko ngayong linggo!
    ces´s last [type] ..test

  3. Thess says:

    Ang inhinyerong mahilig tumakbo he he!

    Happy LP!
    Thess´s last [type] ..Pasado sana! (LP 110: Pagsusulit)

  4. emarene says:

    mahirap na tema nga, at magkapatid pa yata ang lahok natin. ;)
    emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Pagsusulit (Exam, Test)

  5. Marites says:

    nahirapan din ang tema at buti nalang may nakita akong pwdeng lahok. maligayang LP!
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy#100 Pagsusulit (Exam)

  6. Dinah says:

    napakahirap siguro talaga na maghintay ng resulta ng pagsusulit lalo na kung 4 o 5 taon mo pinaghirapan ;-)
    Dinah´s last [type] ..I Survived the First Day of School!

  7. Julie says:

    Habol ako!

    Nagpaburjer ka ba after mo makuha ito? :D

    nawawalan kasi kami internet connection dahil kay Smart Broken kaya di ko na-publish agad :(
    Julie´s last [type] ..Achievement Test

  8. Halie says:

    Ang hirap ng tema, pero I think I survived it. :)
    Halie´s last [type] ..School Challenge

  9. yeye says:

    humahanga talaga ako sa mga inhingyero.
    tama ba spelling? hahaha
    yeye´s last [type] ..fuma-fan girl na ako ngayon

  10. ruthay.net says:

    Hi R,
    uy! me ganyan din ako ah! ECE ka po noh?
    ruthay.net´s last [type] ..Litratong Pinoy #14: Hibla / Strings

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge