LP 108: Pagbabago

June 3, 2010 by  
Filed under General, LP entries

PAGBABAGO o changes.

Dumarating sa buhay nating lahat ang pagbabago. Simula sa ating pagkabata, nang tayo ay unang tumuntong sa paaralan, ang mga pagbabago ay sadyang hindi na mapipigil pa. Mga pagbabagong humuhubog sa atin bilang tao.

Maraming uri ng pagbabago. May nakakabuti at mayroon ding nakakasama. Mayroon ding mga pagbabago na ating ninanais dahilan sa marami ang nasasalanta ng kasalukuyan o lumang pamamaraan.

Kagaya ng pagbabagong ninanais ng mga taong nasa likod ng mga karatulang nakikita ninyo. Isa lamang itong snapshot at mabilisang kuha talaga dahil ito ay nasa gitna ng kalsada. Nasa tapat ito ng Parliament building ng London. Sa ganitong uri ng nila ipinahayag ang pagbabagong ninanais nila. Ilang taon na rin ang nakaraan ng kunan ko ito at sana naman ay nakamtam nila ang pagbabagong hangad.

Magandang Huwebes ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Comments

21 Responses to “LP 108: Pagbabago”
  1. The only things that doesn’t change in the world is Change :)
    .-= Willa @ PixelMinded´s last blog ..LP#65:Pagbabago =-.

  2. ces says:

    minsan nakaktakot din ang pagbabago…sana lahat ng pagbabago para sa kabutihan…
    .-= ces´s last blog ..a new season =-.

  3. Julie says:

    Tama ka, meron pagbabago na mainam pero meron namang hindi.

    Ang pagbabago sa aking lahok ay mainam sa marami ngunit hindi para sa akin at aking pamilya.
    .-= Julie´s last blog ..C5-Mindanao Avenue-NLEX =-.

  4. Thess says:

    Kung sa ikabubuti ng nakakarami ang hinihiling na pagbabago, sana naman ay bigyang pansin at aksyon.

    Happy LP everyone!

  5. luna miranda says:

    laging may kasamang risk ang pagbabago…pero good or bad mas ok ang may pagbabago, kaysa stagnant.
    .-= luna miranda´s last blog ..LP: Pagbabago [change] =-.

  6. Thess says:

    PS.
    Hindi gumana comment luv :D nandito ang aking lahok. See yah!
    .-= Thess´s last blog ..Toot toot! Toot toot! (LP 108 Pagbabago) =-.

  7. Ladynred says:

    Sana magbago na ang masasamang tao!
    http://canadianscrapbookerblog.com/2010/06/02/changes-lp/
    .-= Ladynred´s last blog ..Changes (LP) =-.

  8. emarene says:

    Parang kailangan pang idaan sa mga ganyan (karatula at sit down strike) pag hihingi tayo ng mga pagbabago, kahit saan. :(

    Happy LP everyone!
    .-= emarene´s last blog ..Litratong Pinoy – Pagbabago (Changes) =-.

  9. una, totoo po bang bawal ang camera at kumuha ng larawan sa London? di ko ma alala kung saan ko narining.

    sana nga’y mabago ang maling sistema :D

    http://agent112778.blogspot.com/2010/06/lp-108-pagbabago-change-renewal.html
    .-= jay-agent112778´s last blog ..LP # 108 : Pagbabago (change; renewal) =-.

  10. Ebie says:

    Sometimes its hard to accept changes.

  11. Gizelle says:

    Change is inevitable, so goes the cliche. Minsan nga lang kahit na gusto ang pagbabago eh hindi nabibigay…di ba?

  12. Nakakalungkot na nakakainis na nakakatawa na kailagan pa ng dahas para lamang makamit ang pagbabago.
    .-= ShutterHappyJenn´s last blog ..Pagbabago (Changes) =-.

  13. iska says:

    Ang hinihintay kong pagbabago ay yung sa Pilipinas. Sana pagbabagong maganda para sa inang bayan…
    .-= iska´s last blog ..The Ever-Changing Views from our Balcony =-.

  14. Marites says:

    sana nga, may pagbabagong naganap. Mas interesado ako sa mga pagbabagong nangyayari at dapat mangyari sa Pilipinas. Kailangan nating magtulungan.
    .-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#98 Pagbabago =-.

  15. Cookie says:

    angkop na angkop ang tema natin ngayon sa mga nagaganap sa ating sariling bayan ngayon :)

    http://scroochchronicles.com/?p=2493

  16. Manang Kim says:

    Ika nga “What is constant is change” ^_^

    LP:Pagbabago/changes
    .-= Manang Kim´s last blog ..LP:Pagbabago/Changes =-.

  17. Fhaye says:

    Sana’y matupad na nga ang hinahanap nating totoong pagbabago.
    .-= Fhaye´s last blog ..Manila squatter area =-.

  18. Halie says:

    Ang masakit minsan, hindi lahat ng pagbabago para sa ikabubuti ng nakararami

    http://halie-photohunts.blogspot.com/2010/06/pagbabago-changes-for-litratong-pinoy.html

  19. yeye says:

    aw. let there be peace on earth.

    just change for the better. hihi

    happy LP sa lahat :)
    .-= yeye´s last blog ..LP #108 – Pagbabago =-.

  20. jongskie says:

    pwede bang sumali dito? paano?

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge