L.P. 104: Bulaklak
May 5, 2010 by T
Filed under General, LP entries
May kakilala ka bang hindi mahilig sa bulaklak? Babae na hindi mahilig sa bulaklak? Bihira yata pero ang sagot ko ay OO, may nakilala akong babae na hindi mahilig dito, hindi dahil sa ‘allergic‘ sya kundi hindi lang daw nya talaga type. Hindi ko na tinanong kung bakit.
Maraming gamit ang bulalak. Pampaganda na ating kapaligiran. Nagbibigay din sila ng sari-saring bango. Pinagkukuhanan ng pagkain ng mga bubuyog at iba pang insekto. Minsan naman ay ginagamit na pang engganyo sa ating inumin at pagkain, katulad ng mga nasa larawan…
Appetizer na maanghang na glass noodle salad. Pwede, maganda ang presentasyon.
ah, magandang pang engganyo din sa mga inumin na kagaya nito…
Pero dito sa pangatlo, hindi na sya mapansin dahilan sa halos mag-gitgitan ang dekorasyon sa pinggan! Kung ang orchid lamang ang ginamit na dekorasyon ay higit sana itong naging ka-ayaaya. Less is more, kumbaga. Ano sa palagay nyo?
Isang magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat! Malapit na ang halalan, ingat po kayo at syempre, iboto ang mga kandidatong isinisigaw ng isip at puso, na makapagbibigay lualhati sa ating bansa.




