L.P. goes to New Zealand!
May 5, 2010 by T
Filed under General, L.P. goes to!
Ang tunay na pangarap kong ilahok sa L.P. goes to! ay mga larawang sa unang tingin pa lamang ay alam mo nang New Zealand. Gusto ko sana ay sa gitna ng mga tupa o mga baka dahil para sa isang pinoy, ang mga ito ang una nating naiisip . O kaya naman ay sa mga bulubundukin kung saan nagkakandirit sila Frodo at Gollum. Kaya lang parati ko namang nakakalimutang bitbitin ang aking munting LP tag. Hindi na bale, sa ngayon ay ipakikita ko muna ang isa sa ilang lugar dito sa Auckland.
Bago ipalabas ang TV series na The Pacific, maganda ang naisip na pakulo ng TVNZ. Nagkaron ng dogfight re-enactment ng dalawang Jap fighters vs NZ kittyhawk sa Mission Bay nong Abril 11. Kahit iika-ika pa ako sa paglalakad dahil sa isang foot injury, nanood ang lola nyo kasama ang aking mag-ama na parehong excited. Mga sampu hanggang labinlimang minuto mula sa aming lugar, nagpunta kami sa tuktok ng Savage Memorial na tanaw ang buong Misson Bay at ang buong Waitemata Harbour.

Ang Savage Memorial ay matatagpuan sa Bastion Point ng Auckland at ito ay ginawa para sa kauna-unahang Labour Prime Minister ng bansa na si Michael Joseph Savage (1935-1940). Ang lugar na ito ay dating gun emplacement mula pa noong panahon ng Russian Scare taong 1885.

Ito naman ay isang anggulo kuha ang hilagang kanluran kung saan tanaw ang Sky Tower, yun pong maliit na nakikita nyo sa background. (Pagpasensyahan nyo na ang aking tag na sa kung saan-saang halaman sumasampay.)

Ang aking modelo syempre pa at sa background naman ang Mission Bay.
Sana ay magustuhan nyo ang aking ilang larawan. Hanggang sa muli! -ISKA of http://www.iskandals.com/edx/.


Maraming salamat po! Pagnakadaan uli sa mga tupa, siguradong dun ako kukuha ng mga litrato
.-= iska´s last blog ..Cheese & Steak Spring Rolls =-.
haaaay… sana makapunta rin ako dyan… nice ka Iska…
.-= Lino´s last blog ..Transportshow 2010… =-.
nice to see your part of the world ka-is!:)
.-= ces´s last blog ..Lasang Pinoy, Sundays : CHEESE =-.
Miss ko ang NZ. Natira ako doon ng dalawang taon noong 1980s. Nag-aral ako sa Massey University.
Heto ang isang kodak na may mga tupa:
http://www.flickr.com/photos/kenilio/140428650/
kuha ko sa Dunedin.
.-= Ken´s last blog ..High School Reunion =-.
Ken, it was beautiful then, it is still beautiful now
.-= iska´s last blog ..Roses para sa Litratong Pinoy =-.