L.P. 104: Bulaklak

May 5, 2010 by T  
Filed under General, LP entries

May kakilala ka bang hindi mahilig sa bulaklak? Babae na hindi mahilig sa bulaklak? Bihira yata pero ang sagot ko ay OO, may nakilala akong babae na hindi mahilig dito, hindi dahil sa ‘allergic‘ sya kundi hindi lang daw nya talaga type. Hindi ko na tinanong kung bakit.

Maraming gamit ang bulalak. Pampaganda na ating kapaligiran. Nagbibigay din sila ng sari-saring bango. Pinagkukuhanan ng pagkain ng mga bubuyog at iba pang insekto. Minsan naman ay ginagamit na pang engganyo sa ating inumin at pagkain, katulad ng mga nasa larawan…

Appetizer na maanghang na glass noodle salad. Pwede, maganda ang presentasyon.

ah, magandang pang engganyo din sa mga inumin na kagaya nito…

Pero dito sa pangatlo, hindi na sya mapansin dahilan sa halos mag-gitgitan ang dekorasyon sa pinggan! Kung ang orchid lamang ang ginamit na dekorasyon ay higit sana itong naging ka-ayaaya. Less is more, kumbaga. Ano sa palagay nyo?

Isang magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat! Malapit na ang halalan, ingat po kayo at syempre, iboto ang mga kandidatong isinisigaw ng isip at puso, na makapagbibigay lualhati sa ating bansa.

Comments

26 Responses to “L.P. 104: Bulaklak”
  1. Ebie says:

    Sarap ng Thai food! Galing sila sa mga decorasyon. Ganda!
    Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Bulaklak My ComLuv Profile

  2. jennyL says:

    .. musta… ako’y muli sumasali pagkaraan ng mahabang panahon..
    magandang pangdekorasyon ang mga bulaklak at pwede na ngang kainin din ang ibang uri nito sa ngayon.. kakagutom naman tong lahok mo.. Happy LP!
    jennyL´s last blog ..LP: Bulaklak (FLOWERS) My ComLuv Profile

  3. Thess says:

    Hi Ms. Ebie! Tama sinabi mo, masarap ang Thai food! Buti pa sila sa Thailand, pang decor lang ang orchid, samantalang dito sa amin sa Europe ang mahal nito.

    Happy LP everyone!
    Thess´s last blog ..Bulaklak, ang ganda ng bulaklak….(LP 104) My ComLuv Profile

  4. upto6only says:

    ang gandang gawing dekorasyon talaga ang bulaklak. kaaya-aya sa paningin.
    upto6only´s last blog ..LP: Bulaklak My ComLuv Profile

  5. arvin says:

    Gusto ko yung pagatlo:D kung anu man yun, hehe. Diba nga yung ibang bulaklak e kinakain nila? Parang may napanood ako na ganun, tipong Rose Salad.

    Sulat ni karmi ang LP namin this week, tungkol sa isang kaibigan:)
    arvin´s last blog ..LP: bulaklak para sa isang anghel My ComLuv Profile

  6. Manang Kim says:

    Ang ganda nang presentation of food. I also don’t have anybody whom I knew na hinde masyadong feel ang bulaklak. Different folks different strokes. Mine is up already.

    LT:Bulaklak
    Manang Kim´s last blog ..Litratong Pinoy: Bulaklak My ComLuv Profile

  7. bang says:

    Ang ganda talaga ng mga bulaklak.

    Maligayang LP!
    bang´s last blog ..A quick trip to the Balintawak Home Depot My ComLuv Profile

  8. mirage says:

    di ko p mal pics comment uli ako later pguwi….

  9. emarene says:

    busog tayo dito sa tingin at sa tikim!
    emarene´s last blog ..Litratong Pinoy – Bulaklak (Flowers) My ComLuv Profile

  10. mirage says:

    i mean ma-load…pero ako khit me allergy mahilig sa bulaklak :D happy lp!

  11. luna miranda says:

    baka may bad memory s’ya associated with flowers kaya ayaw nya ng bulaklak.:p

    ako naman, kinikilig ang aking mga molecules kapag nakakakita ng bulaklak…at lalo na kung binibigyan ng bulaklak.:p

  12. akala ko Tabing ang theme ngayon kaya hindi agad ako nakagawa ng entry,kasi wala akong picture no’n eh.
    Buti na lang at naging bulaklak pala, kaya meron na tuloy, :)
    Willa @ PixelMinded´s last blog ..LP#61: Bulaklak (Flower) My ComLuv Profile

  13. iska says:

    Hindi nawala ang bulaklak, specifically orchid, sa presentasyon ng Thai food. Masarap na ang pagkain, maganda pa sa mata :-)
    Bulaklak! Paborito ko ito kaya sali ako!
    iska´s last blog ..Roses para sa Litratong Pinoy My ComLuv Profile

  14. Joy says:

    Nakasali po ako uli makaraan ang matagal na panahon. ganda talaga ng bulaklak. yung iba edible din di ba?

    Magandang araw!
    Joy´s last blog ..LP: Bulaklak My ComLuv Profile

  15. ian says:

    hmm hindi ko pa yata nasubukang kumain ng pagkain na may sahog na bulaklak; ang pinakamalapit ko nang karanasan sa bulaklak bilang pagkain ay ang pagsupsop na nektar ng santan sa aming hardin hehe

    maligayang paglalakbay sa lahat =]

    apat na araw na lang, halalan na! basbasan pa nawa ng Panginoon ang ating bayan!
    ian´s last blog ..Litratong Pinoy: BULAKLAK (Flower) My ComLuv Profile

  16. ces says:

    i totally agree, masarap talga ang Thai food…
    ces´s last blog ..dad, you will be missed… My ComLuv Profile

  17. Marites says:

    Hindi ba pwdeng kainin ang mga bulaklak na iyan? Ang ganda ng presentasyon ng pagkain pa:) maligayang LP!
    Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#94 Bulaklak (Flower) My ComLuv Profile

  18. peachkins says:

    Ang ganda ng presentation ng mga food!

  19. Julie says:

    Ang gaganda ng mga presentation.

    Yung panghuli, nakakatakot ang sili tsaka parang sayang yung mga dekorasyon, nakakain ba yung iba? hindi yata ano?
    Julie´s last blog ..Sunflower My ComLuv Profile

  20. Ken says:

    Sarap!
    Ken´s last blog ..Hamog sa bulaklak My ComLuv Profile

  21. Arlene says:

    Maligayang Huwebes!

    Ang bulalak na lahok ko ay para sa mga mothers and mothers-to-be dito sa LP. Para din sa mga lalaki na merong mga mothers at merong mga mother ng kanilang mga anak. :)

    Happy LP everyone!
    Arlene´s last blog ..LP – Bulaklak {flower} My ComLuv Profile

  22. Ganda ng mga bulaklak! Naalala ko tuloy sa Bee Farm sa Bohol, yung garden salad nila ay may halong mga bulaklak.
    Sali ulit ako this week pagkatapos ng matagal na panahong pag-absent ko sa LP :D
    Sreisaat Adventures´s last blog ..Litratong Pinoy #39: Ginanchillong Bulaklak My ComLuv Profile

  23. Yami says:

    Sarap ng pansit. edible ba ang orchid? hihi
    Yami´s last blog ..LP – Bulaklak My ComLuv Profile

  24. MsRay says:

    Ginutom tuloy ako sa kakatingin ng mga litrato mo
    MsRay´s last blog ..Trimming Down My ComLuv Profile

  25. Eto na ho. :D
    thebossyboots´s last blog ..BULAKLAK (FLOWER) My ComLuv Profile

  26. lino says:

    hehe… pahabol po…. narito ang aking bahagi para sa linggong ito….

    http://linophotography.com/lp-bulaklak-flower/
    lino´s last blog ..LP: Bulaklak…(flower) My ComLuv Profile

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled