L.P. 102: Pindot (press)
April 21, 2010 by T
Filed under General, LP entries
LP: This next song is all about love.
Isang araw pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena para bumilli ng suka. Pagbayad ko aking nakita isang dalagang nakadungaw sa bintana. Natulala ako. Laglag ang puso ko. Nalaglag din ang sukang hawak ko. Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita. Hindi ko kayang sabihin ang aking nadarama. ‘Wag mo na akong pilitin, ako ay walang lakas ng loob para tumanggi. Walang dapat ipagtaka, ako ay pinanganak na torpe, sa ayaw at hindi. Pare ko, meron akong problema. ‘Wag mong sabihing “Na naman?” In love ako sa isang kolehiyala, hindi ko maintindihan. Tatlong oras na akong nagpapacute sa’yo, ‘di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko. Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo, ‘wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko. Sagutin mo lang ako aking sinta’y walang humpay na ligaya.
Huwag kang matakot, ‘di mo ba alam na nandito lang ako sa iyong tabi. ‘Di kita pababayaan kailanman. At kung ikaw ay mahulog sa bangin, ay sasaluhin kita. Huwag kang matakot na umibig at lumuha, kasama mo naman ako. Masdan mo ang aking mata, ‘di mo ba nakikita? Ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na. Gusto mo bang sumama? Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda. Kasabay rin ng hangin kumakanta. Maari bang ‘wag ka nang sa piling ko’y lumisan pa. Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na. Minsan pa ulan, bumuhos ka ‘wag nang tumigil pa. Hatid mo ma’y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo. Pag-ibig ko’y umaapaw, damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa. Tuwing umuulan at kapiling ka.
Noong nagsama tayo ay kanan ang ginamit mo ngunit biglang natorete. Ikaw pala ay kaliwete. Sunud-sunod na kamalasan ang dumarating. Hindi ko na malaman kung pa’no ang gagawin. O ngayon, pagdating ko sa bahay, ibaba ang iyong kilay ayoko ng ingay. Ewan ko hindi ko alam, pwede bang ‘wag na lang nating pag-usapan. Huwag mo nang itanong sa akin. ‘Di ko rin naman sasabihin. At di ko na lang iisipin. At bakit ba ‘pag nagsawa na ako biglang ayoko na? At ngayon ‘di pa rin alam kung ba’t tayo nandito. Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari. Kahit na anong gawin, lahat ng bagay ay mayroong hangganan. Dahil ngayon, tayo ay nilimot ng kahapon. ‘Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan. Lumipas ang maraming taon, ‘di na tayo nagkita. Lahat ng pangarap ko’y bigla nang natunaw, sa panaginip na lang pala kita maisasayaw. Iba na ang iyong ngiti, iba na ang iyong tingin. Nagbago na ang lahat sa’yo. Sana’y hindi nakita, sana’y walang problema. ‘Pagkat kulang ang dala kong pera, pambili sa mukha mong maganda.
Nakita kita sa isang magasin. Dilaw ang iyong suot at buhok mo’y green.
Ito ang aming (Arvin at Karmi) entry para sa 102nd Weekly Challenge ng Litratong Pinoy, sa temang Pindot (Press). Ang litrato sa itaas ay ang videoke machine sa booth number 3 Timezone Trinoma nuong nagkantahan kami ni karmi kasama ng kaibigan niya, March 2010. Siyempre, marami ka munang pipindutin bago makakanta, hehe. Bisitahin ang iba pang mga lahok ng ibang miyembro sa ibaba
Kantahan na!



