Nais Nyo Ba Ng EB-Aliwan Part II?

April 6, 2010 by  
Filed under News & Updates

Sa ika-22 hanggang ika-24 ng Abril, ay muling ipagdiriwang ang taunang Aliwan Fiesta. Ang 3 araw na pagdiriwang na ito ay may iba’t ibang activity ngunit ang pinaka tampok dito at inaabangan ng mga kagaya nating mahilig kumuha ng litrato ay ang street dancing competition at float parade na isasagawa sa ika-24 ng Abril araw ng Sabado.

Maari nating muling gamitin ang pagkakataong ito upang muli tayong magkikita. Maaari tayong magsagawa ng brunch (late breakfast, early lunch) bilang ating EB sa may gawing Mall of Asia kung saan magsisimula ang parada sa taong ito at magtatapos naman sa harap ng Aliw Theater kung saan ay gaganapin din ang paligsahan ng street dancing.

Isang photo contest din ang gaganapin sa taong ito. Ang mga nagnanais lumahok ay maaring magsumite ng hanggang 5 larawan. Kung ikaw ay interesado ay pinapayuhan kang basahin ang buong detalye at panuntunan ng kompetisyon sa opisyal na website ng Aliwan Fiesta.

Nais lamang po naming malaman kung sino ang interesadong dumalo kung sa kanilang gaganapin ang EB sa araw na ito? Maari pong iwan ang inyong pahayag sa pamamagitan ng pagkumento sa ibaba. Salamat po.

Para sa mas madaling assessment, ipahayag ang inyong sagot sa RSVP feature ng Facebook.

Comments

5 Responses to “Nais Nyo Ba Ng EB-Aliwan Part II?”
  1. arvin says:

    Uy, ok ‘to ah:)
    .-= arvin´s last blog ..photoblog #21: meet HP =-.

  2. Ay oo nga, part 2 na! Sana matuloy, I am attending kung magkakaroon ng EB (and nag-vote na rin ako sa Facebook).
    .-= ShutterHappyJenn´s last blog ..Sunset Road Shot =-.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge