‘Low batt”
Siguraduhin lang sa susunod na tama ang size ng baterya na iyong ini-order sa eBay para swak na swak sa iyong camera!
O kaya naman, siguraduhing nagkakaintindihan kayo ng inutusan mo para walang bukol!
Kamusta ang inyong mga Linggo mga kasama, tahimik ba? Sobrang init ba? Masarap ang halo-halo sa panahong ito! O kaya naman ay mais con yelo. Pero mas masarap ang magbabad sa dagat, sabay sipsip sa masarap na fresh buko juice, oh la la! At syempre dapat bitbit ang camera di ba?
Regards, mula sa Photonuts!



natawa naman ako sa illustration, very funny!:p
di lang bukol ang aabutin mo pag ganyang battery ang ihahagis sa ‘yo. LOL
Hindi naman kasi nililinaw kung anong battery ang gusto, ayan tuloy, battery ng sasakyan ang hinagis!
.-= Willa @ PixelMinded´s last blog ..RT#21: Sculpture =-.
hehehe cute, naku aside sa low batt ensure din na hindi nakakalimutan ang battery pag ka-charge. nangyari na sakin inis na inis ako
.-= upto6only´s last blog ..LP: Words =-.
Hahaha! Motolite! May 1 friend ako um-order ng battery sa ebay, akala namin nakamura dahil 2 piraso agad yung kasama. Yun pala, front and back views nung battery yung naka-display sa photo, pero actually ay 1 piraso lang talaga yung binebenta…
Bukod sa naiiwan ang battery sa charger, minsan naman eh naiiwan yung memory card sa card reader.
.-= Eye´s last blog ..LP99: Totoo (True, Truth) =-.