L.P. 103: Nakatali

April 29, 2010 by T  
Filed under General, LP entries

Marami sa ating Pilipino ang sanay na sanay gamitin ito. Pero mayroon din sa atin na hirap gamitin ito. ‘Ang hirap naman gamitin nito! Gutom na gutom na ako. Waiter, pahingi naman ng kutsara at tinidor oh’ .

Ikaw ba, alin ka sa dalawa? Sanay ka ba gumamit nito o suko na at kahit lahat ng kasabay mo sa hapag kainan ay ito ang gamit, walang problema kung maiba ka ng kubyertos keysa naman sumakit tiyan mo sa gutom.

Sana nga lang ay nakatali lagi ang mga dulo nito ano? Para naman yung hirap gumamit ay makasabay naman sa mga eksperto!

Magandang magandang araw po ng Litratong Pinoy sa inyong lahat! Nais lamang po naming ipagbigay alam na baka hindi agad lumabas ang inyong mga komento, ito po ay dahil sa mga spam comments na sinasala namin. Ang mga spams po ay nasa wikang tagalog na rin kaya imo-moderate po muna namin ang mga komento. Salamat sa inyong pag-unawa.

Comments

17 Responses to “L.P. 103: Nakatali”
  1. ian says:

    huwaw. kakaibang lahok- kung hindi mo inilarawan, hindi ko mahuhulaan kung ano ang nasa kuha mong litrato =]

    sabi nila nakakapayat raw ang pagkain gamit ito dahil nalilimitahan ng iyong husay sa pag-chopsticks ang dami/dalas ng subo…

    higit kailanman, kung may araw na makakadaan ang iba sa lingguhan kong lahok, sana ngayon maglaan ng panahon ang iba. may mahalaga akong napapanahon na mensahe para sa lahat =]

    maligayang paglalakbay sa lahat!
    ian´s last blog ..Litratong Pinoy: NAKATALI (Tied) My ComLuv Profile

  2. Hindi ako marunong gumamit niyan at parang wala ng pag-asa na matuto.
    Willa @ PixelMinded´s last blog ..LP#60:Nakatali My ComLuv Profile

  3. Doc Emer says:

    Kubyertos, chopsticks, o magkamay man ay walang akong problema. Depende sa kainan at sa mga taong kasama…basta salo-salo ay handa ako dyan.

    Madaling matuto ng chopsticks — itago ang kubyertos at gutumin ang kakain. Sigurado ako na matututo agad kahit sino pa yan.

    Here’s my entry — http://siteseer.blogspot.com/2010/04/i-got-you.html

    HAPPY LP!! :-)
    Doc Emer´s last blog ..I Got You ! My ComLuv Profile

  4. Thess says:

    Ang tatay ko ay maaga kaming magkakapatid na tinuruan gumamit nito. Seaman kasi sya noon at lokong loko sa bansang Japan. Lahat ng uwi nya tuwing bakasyon ay Jap themed, lol!

    anyway bago humaba ang comment, HAPPY LP everyone! :)
    Thess´s last blog ..Tali ng Buhay (LP 103) My ComLuv Profile

  5. emarene says:

    ako lang ang di marunong sa pamilya ko – although ako ang mas mukhang Intsik. :( may chance pa kaya?
    emarene´s last blog ..Litratong Pinoy – Nakatali (Tied) My ComLuv Profile

  6. Ebie says:

    Ganda ng pagkatali, parang rosas and desenyo!
    Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Nakatali My ComLuv Profile

  7. Marites says:

    napag-isip ako kung ano iyang bagay na nakalitrato. Ang ganda ng pagkatali niya, paano kaya ginawa?
    Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#93 Tied(Nakatali) My ComLuv Profile

  8. Arlene says:

    Happy LP Day everyone!
    Arlene´s last blog ..LP – Nakatali [Tied] My ComLuv Profile

  9. ces says:

    uy parang merong pinsan yan dito sa bahay!:) pang-display hehe!
    ces´s last blog ..Tied up [Nakatali] My ComLuv Profile

  10. January says:

    hehehe.. hindi rin ako marunong gumamit nyan.. hangang kutsara-tinidor lang kaya ko.. hehehe

    Happy LP!
    January´s last blog ..Litratong Pinoy: Nakatali (Tied) My ComLuv Profile

  11. ay, madaya! hehe. training chopsticks? :P
    fortuitous faery´s last blog ..Litratong Pinoy #82: Nakatali (Tied) My ComLuv Profile

  12. Ken says:

    Magandang macro.

    Nag-aaral pa rin akong gumamit ng chopstick. Nakakahiya kasi dahil ang mga kaibigan kong mga Kano, marunong sila. Kung kami’y kumakain sa Chinese restaurant, it’s ironic, akong Asyano ang hindi marunong mag chopstick!

    And about spammers …. they are the scum of the Internet. Gusto lang nilang makiback links dahil mataas ang page rank ng Litratong Pinoy (PR 4). At medyo wa-is na rin sila, dati karamihan, canned ang comments, ngayon, they make it a point to at least read and comment (tulad ng sinabi mo, nagtatagalog sila). From what I know, most of them are paid to do that.
    Ken´s last blog ..High School Reunion My ComLuv Profile

  13. Yami says:

    Hindi rin ako sanay gumamit niya, kaya kahit maiba ako, kutsara at tinidor ang hihingin ko para gamitin sa pagkain.
    Yami´s last blog ..LP – Nakatali (Tied) My ComLuv Profile

  14. Mirage says:

    Sa una po kami ng aking pamilya, sanay sa ipitan…mayroong ilang pares akong nabili na nakatali, meron namang hindi…pero mas madali gamitin ung hindi nakatali. aba ang ganda ng disenyo nyan…type ko, kesa hello kitty design lol! Happy LP!
    Mirage´s last blog ..Nakatali (Tied) My ComLuv Profile

  15. julie says:

    yan yata ang hindi ko matutunan gamitin, hehehe, ewan ko ba kung bakit :D

    ang aking late na entry (pero Thursday pa din naman, hehe) tungkol sa aming alagang aso.
    julie´s last blog ..Maliligo na si Chi-chi My ComLuv Profile

  16. ruthay says:

    wala man akong lahok sa lingong ito ng LP..galak at palakpak naman ang nararamdaman at handog ko sa mga lumahok ngaung lingo…ang gagaling ng mga pagkukuha at ideya ng bawat isa para sa lingong ito.
    ruthay´s last blog ..Litratong Pinoy #14: Hibla / Strings My ComLuv Profile

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled