L.P. 103: Nakatali

April 29, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Marami sa ating Pilipino ang sanay na sanay gamitin ito. Pero mayroon din sa atin na hirap gamitin ito. ‘Ang hirap naman gamitin nito! Gutom na gutom na ako. Waiter, pahingi naman ng kutsara at tinidor oh’ .

Ikaw ba, alin ka sa dalawa? Sanay ka ba gumamit nito o suko na at kahit lahat ng kasabay mo sa hapag kainan ay ito ang gamit, walang problema kung maiba ka ng kubyertos keysa naman sumakit tiyan mo sa gutom.

Sana nga lang ay nakatali lagi ang mga dulo nito ano? Para naman yung hirap gumamit ay makasabay naman sa mga eksperto!

Magandang magandang araw po ng Litratong Pinoy sa inyong lahat! Nais lamang po naming ipagbigay alam na baka hindi agad lumabas ang inyong mga komento, ito po ay dahil sa mga spam comments na sinasala namin. Ang mga spams po ay nasa wikang tagalog na rin kaya imo-moderate po muna namin ang mga komento. Salamat sa inyong pag-unawa.

Next Page »