L.P. 98: Plastik (plastic)

March 24, 2010 by  
Filed under General, LP entries

PLASTIK (Plastic) ang ating pagsubok sa Huwebes na ito.

Sadyang maraming ‘plastik’ sa ating paligid na maaring kunan ng larawan. Plastik na sisidlan ng ating pinamalengke. Plastik na baso, pinggan, kubyertos. Plastik na school bags ng mga bata. Plastik na mga laruan. Plastik na mistulang naging basura dahil basta na lang itinatapon sa kalye ng iba nating kababayan. Plastik na katawan ng ating mga camerang ginagamit. Ah, plastik- marami talaga nito sa paligid.

Nakikita natin sa larawang ito ang mga water droplets. Ang isang droplet ay nakikita ninyo na may nabuong bula (bubble) sa loob nito at sa bulang iyun ay nakakulong ang ilang maliliit at mistulang bolang  na may iba’t ibang kulay, ito ay dahil sa refraction.

Tsokolate sila. M & M. Paborito hindi lang nga mga bata kundi pati rin ng matatanda. Dahil sa kanilang sari-saring kulay ay nakakatawag naman talaga ito ng pansin at mukhang kataka-takam!

Ikaw, paborito mo din ba ang M&M?

Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat! Maraming salamat po sa walang sawang pagsubaybay at pagbibigay kulay sa ating samahan. Nang dahil sa inyo ay ating malapit ng ipagdiwang ang ating ikalawang Anibersaryo! Opo, 2nd Litratong Pinoy Anniversary na sa Abril 3! Huwag po ninyong kalilimutang dumalaw dito sa araw na ito dahil mayroon po tayong panauhin na professional photographer na nagpaunlak sa ating maigsing interview. Kaya’t muli, huwag ninyong kalilimutan, Abril 3- Litratong Pinoy 2nd Anniversary!

Tayo na at dalawin natin ang isa’t-isa :)   AY, sandali nga naman daw! NASAAN ANG PLASTIK SA LARAWAN NA ITO?

« Previous PageNext Page »