L.P. 99: Totoo

March 31, 2010 by T  
Filed under General, LP entries

Pumipihit na doorknob samantalang wala namang nagtatangkang magbukas ng pinto -nais ko sanang ipakita sa inyo ang karanasang ito. Subalit wala pa akong camera nang panahon na iyon.

Sa gitna ng kalaliman ng hatinggabi, lahat ng kasambahay ay mahimbing ang pagkakatulog subalit may isang tinig ng babae na impit ang pag-iyak sa kasilyas – nais ko sanang ipakita sa inyo ang karanasang ito subalit wala akong videocamera ng panahon na iyon.

Habang nag a-apply ng make-up at payapang nakaupo sa harap ng salamin ay may aninong dumaan sa aking likuran – nais ko sanang ipakita na ito ay totoo. Kung may camera kaya ako ay makukuhanan ko ng larawan ang anino?

Totoo kaya ang aking mga tinuran?

Ang alam kong totoo – ang maliliit na isda ay kayang-kayang lunukin ng buo ng malalaking isda!


Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Comments

14 Responses to “L.P. 99: Totoo”
  1. upto6only says:

    matatakot na sana ako.

    ang cute ng kuha mo saktong sakto ang pag-pitik ng kamera at nakunan mo ang ganitong pwesto ng isda.

    Happy LP/ Happy Holly Thursday
    upto6only´s last blog ..PHOTOHUNT: Fresh Catch My ComLuv Profile

  2. ces says:

    aba’y ka galing galing na katotohanan! great timing!
    ces´s last blog ..semi-homemade, but 100% true! My ComLuv Profile

  3. Thess says:

    Palagay ko ay totoo ang kuwento mo. :D At totoo naman, ang maliliit na isda ay kayang lunukin ng malalaking isda, pero ang kabaligtaran ay hindi totoo ;)
    Thess´s last blog ..kaBULA-ang katotohanan (LP 99) My ComLuv Profile

  4. emarene says:

    ang aga mong nanakot ha? Pero mas nakakatakot maging maliit na isda – yan ang totoo!

    Eto naman ang lahok ko
    http://thisrandomness.blogspot.com/2010/03/earth-hour.html
    emarene´s last blog ..Litratong Pinoy – Totoo (True) My ComLuv Profile

  5. Doc Emer says:

    Ang galing naman ng mga halimbawa mo, puro nakaka-panindig balahibo.

    Ang galing din ng litrato mo. Ito ay diagram lamang na dati kong pinag-aaralan sa paaralan. It represents the food chain under the sea. Talagang kinakain ng malalaking isda ang maliliit na isda.

    Sana nga mahuli mo ang mga yan, at maipakita sa amin isang araw.

    Eto po ang lahok ko — http://siteseer.blogspot.com/2010/04/broken-yet-standing.html
    Doc Emer´s last blog ..Broken Yet Standing My ComLuv Profile

  6. MsRay says:

    Kakaiba ang litrato mo. Ang galing!!

    Eto naman po ang lahok ko:
    http://www.msray2008.com/2010/03/lady-justice.html

  7. Shoshana says:

    I believe it…I just haven’t seen on in person.

    Here’s my entry: http://unsealmylips.com/?p=1181
    Shoshana´s last blog ..LP 99: Totoo (It’s True) My ComLuv Profile

  8. wow…pang-ripley’s believe it or not! :)

    fish be with you ngayong semana santa!
    fortuitous faery´s last blog ..Litratong Pinoy #78: Totoo (True) My ComLuv Profile

  9. Eye says:

    nakakatakot ang kwento, pati na rin ang ipin ng malaking isda.

    miski yung isda eh makiki-fish diet din ngayong semana santa. happy easter, mga ka-LP!
    Eye´s last blog ..LP99: Totoo (True, Truth) My ComLuv Profile

  10. Manang Kim says:

    Ako ay may karanasan sa mga ganyang bagay pero hinde ko na iniisip yun. Pero ito ang totoo mas takot ako sa taong praning lol!

    Ganda nang pagkakuha nang photo. Happy Easter everyone!

    Mine is up!

    LP: Truth o Totoo
    Manang Kim´s last blog ..Litratong Pinoy: Truth or Totoo My ComLuv Profile

  11. Manang Kim says:

    May mga karanasan din ako na ganun, pero mas takot ako sa praning na mga tao! ^_^ Happy Easter!

    Mine is up!
    Manang Kim´s last blog ..Litratong Pinoy: Truth or Totoo My ComLuv Profile

  12. April says:

    mas nakakakilabot siguro kung makunan mo nga ang aninong yun…

    ito ang pangalawang entry ko sa LP ^_^

    http://picturestelltales.blogspot.com/2010/04/lp-totoo.html
    April´s last blog ..LP: Totoo My ComLuv Profile

  13. Buge says:

    Natakot naman ako don! Haha! Pero tama, mas nakakatakot nga ang maging maliit na isad. Kawawa naman siya, parang napaka-helpless niya.

    Happy LP!
    Buge´s last blog ..LP: Totoo (True) My ComLuv Profile

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled