L.P. 98: Plastik (plastic)

March 24, 2010 by  
Filed under General, LP entries

PLASTIK (Plastic) ang ating pagsubok sa Huwebes na ito.

Sadyang maraming ‘plastik’ sa ating paligid na maaring kunan ng larawan. Plastik na sisidlan ng ating pinamalengke. Plastik na baso, pinggan, kubyertos. Plastik na school bags ng mga bata. Plastik na mga laruan. Plastik na mistulang naging basura dahil basta na lang itinatapon sa kalye ng iba nating kababayan. Plastik na katawan ng ating mga camerang ginagamit. Ah, plastik- marami talaga nito sa paligid.

Nakikita natin sa larawang ito ang mga water droplets. Ang isang droplet ay nakikita ninyo na may nabuong bula (bubble) sa loob nito at sa bulang iyun ay nakakulong ang ilang maliliit at mistulang bolang  na may iba’t ibang kulay, ito ay dahil sa refraction.

Tsokolate sila. M & M. Paborito hindi lang nga mga bata kundi pati rin ng matatanda. Dahil sa kanilang sari-saring kulay ay nakakatawag naman talaga ito ng pansin at mukhang kataka-takam!

Ikaw, paborito mo din ba ang M&M?

Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat! Maraming salamat po sa walang sawang pagsubaybay at pagbibigay kulay sa ating samahan. Nang dahil sa inyo ay ating malapit ng ipagdiwang ang ating ikalawang Anibersaryo! Opo, 2nd Litratong Pinoy Anniversary na sa Abril 3! Huwag po ninyong kalilimutang dumalaw dito sa araw na ito dahil mayroon po tayong panauhin na professional photographer na nagpaunlak sa ating maigsing interview. Kaya’t muli, huwag ninyong kalilimutan, Abril 3- Litratong Pinoy 2nd Anniversary!

Tayo na at dalawin natin ang isa’t-isa :)   AY, sandali nga naman daw! NASAAN ANG PLASTIK SA LARAWAN NA ITO?

Comments

39 Responses to “L.P. 98: Plastik (plastic)”
  1. Ebie says:

    Ay, nakita lo ang plastik, yung reflection na nasa loob parang “bubbles”. Yun, ba?
    .-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Plastik =-.

  2. Manang Kim says:

    Ang ganda naman pagkakuha nyan parang magic. Mine is up and my first time to join here, I hope okey lang na tag-lish post ko http://www.litratongpinoy.com/wp-includes/images/smilies/icon_lol.gif

    LP ~ Plastic/Plastik
    .-= Manang Kim´s last blog ..Litratong Pinoy- Plastic/Plastik =-.

  3. Pinky says:

    Mahirap na palaisipan ito ha! Yung bula ba ang plastic? ;) Happy Huwebes sa lahat!

  4. Thess says:

    Alam ko kung nasaan ang plastik :mrgreen:

    Happy LP sa inyong lahat!
    .-= Thess´s last blog ..Plastic (LP 98) =-.

  5. Ebie says:

    Hindi ko yata nakita ang second paragraph, sa unag basa ko, until lumabas ang comment.

    Sarap ang M&Ms, meron din akong dispenser ng M&Ms na parang slot machine.

    Magandang Hwebes, and Happy LP!
    .-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Plastik =-.

  6. Ken says:

    One word: Awesome!
    .-= Ken´s last blog ..Bibe =-.

  7. Iris says:

    coolness! wait, ano ba ito, ginamit mong “filter” ay plastic?
    hanep lumelevel up na ang LP. hehe.
    .-= Iris´s last blog ..Hindi plastik [LP =-.

  8. Manang Kim says:

    Ang ganda naman pagkakuha nyan parang magic. Ang plastik ay yung container nang M&M. Mine is up and my first time to join here, I hope okey lang na tag-lish post ko http://www.litratongpinoy.com/wp-includes/images/smilies/icon_lol.gif

    LP ~ Plastic/Plastik
    .-= Manang Kim´s last blog ..Litratong Pinoy- Plastic/Plastik =-.

  9. ces says:

    hala eh nasan ang plastik? dko mahulaan! pero ang galing ng larawan! tama ba naman kanina pa ako naghihintay sa announcement nang mag alas 12 eh nakalimutan ko na haha! kumain kc ayan…:(anyway, happy LP y’all!
    .-= ces´s last blog ..plastic =-.

  10. emarene says:

    ganda naman! balang araw sana maka kuha din ako ng ganyan shot :)
    .-= emarene´s last blog ..Litratong Pinoy – Plastic =-.

  11. ganda ng mga bubbles…:)
    .-= Willa @ PixelMinded´s last blog ..LP#57:Plastic =-.

  12. Happy Trails says:

    yup paborito ko din and M&M =) ang sharp ng pag capture ng mga bubbles ganda

    ito naman ang lahok ko :
    .-= Happy Trails´s last blog ..Organizing 101 =-.

  13. upto6only says:

    hmmm yung mga bubbles ba ay plastik?

    ang ganda ng composition at concept nito. galing.

    Happy LP
    .-= upto6only´s last blog ..LP: Plastic =-.

  14. Doc Emer says:

    I’m confused, Boss. Plastic na water droplets? Tapos biglang naging chocolate M&Ms?

    Pasensya na….just arrived from another hectic day, pero tuloy agad sa PC dahil LP midnight na! :-)

    http://siteseer.blogspot.com/2010/03/my-favorite-plastic.html ang lahok this week….madali lamang pong hulaan itong sa akin…

    O sirit na po! Nasan na po ang plastik dun sa pix mo, Boss?

    Happy LP, everyone!!!
    .-= Doc Emer´s last blog ..My Favorite Plastic =-.

  15. Doc Emer says:

    I FOUND IT!!! **sort of**

    The water droplets are ON some kind of transparent PLASTIC layer, and in the background are the multicolor silhouettes of the chocolate M&Ms.

    Tama po ba??
    .-= Doc Emer´s last blog ..Overweight Gordon and Quite Possibly, Gallstone Teodoro =-.

  16. Mirage says:

    Gleng nung isang bunch na M&Ms sa loob! Love! oo love ko m&ms, smarties din! oo nga yung plastik/foil na may water droplets…

    tita nakalimutan mo din yung mga mukha na plastic at yung mga tao na sadyang plastik…wahahah hindi talaga pinalampas…

  17. 2nette says:

    maganda at malinaw ang pagkakakuha ng larawan, paborito ko rin ang m&m kaya lalo akong lumalapad, hapi LP sa lahat, sirit na admin kung nasaan ang plastik

    Eto naman ang lahok ko http://2nettestyle.blogspot.com/2010/03/lp-plastik-plastic.html
    .-= 2nette´s last blog ..LP- Plastik (Plastic) =-.

  18. ian says:

    ang plastik talaga ay isang biyaya at sumpa dahil sa dami at lawak ng pwedeng paggamitan sa kaniya, sa kabutihan at kasamaan…

    maligayang paglalakbay sa lahat at paunang pagbati ng maligayang araw ng pagkakatatag!
    .-= ian´s last blog ..Litratong Pinoy: PLASTIK (Plastic) =-.

  19. julie says:

    ang ganda ng larawan, penge ng M&Ms hehehe.

    Siguro yung mga bubbles ay nasa ibabaw ng plastik. Sana may tutorial ang photonuts kung paano ito ginawa :D

    Happy Huwebes!

  20. Ronnie says:

    ang ganda nito :D
    .-= Ronnie´s last blog ..Litratong Pinoy: Plastik =-.

  21. Manang says:

    plastic yung pinapatungan ng water droplets…hula ko…
    .-= Manang´s last blog ..LP: Paskong Pinoy =-.

  22. Marites says:

    Wow! ang galing ng kuha! paano mo ginawa? :) maligayang LP!
    .-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#90 Plastic =-.

  23. Arlene says:

    I love M&Ms but not the brown one. :)

    Plastik na botilya (water bottle) po ang aking lahok sa linggo na ito. :)

    Magandang Huwebes sa lahat!
    .-= Arlene´s last blog ..LP – Plastik {Plastic} =-.

  24. Cookie says:

    uy ang galing!!!
    .-= Cookie´s last blog ..Litratong Pinoy : Manny =-.

  25. Cookie says:

    mahilig din ako sa M&M :D
    .-= Cookie´s last blog ..Ang Bespren Kong Plastik =-.

  26. rache says:

    ang ganda at ang galing naman ng pagkakakuha mo… very creative…. mahilig din ako sa M&M pero mas gusto ko yung mga fancy na plastik na lalagyan ng m&m ang cute..
    .-= rache´s last blog ..LP#1 – Plastik (Plastic) na Pera (Money) =-.

  27. rache says:

    ang ganda talaga ng pagkakakuha pero hindi ko makita yung plastik… siguro yung container ng droplets o yung container ng m&m… ang husay talaga ng kuha!
    .-= rache´s last blog ..LP#1 – Plastik (Plastic) na Pera (Money) =-.

  28. luna miranda says:

    nainggit naman ako sa litrato mo…sana kaya ko rin yan!:p
    .-= luna miranda´s last blog ..Plastic [Litratong Pinoy] =-.

  29. Yami says:

    Hanep sa epek. Bilib ako sa talento ng kumuha ng litratong ito. Maligayang araw (madaling araw na pala dito)!

    http://yamtorrecampo.blogspot.com/2010/03/lp-plastik-plastic.html
    .-= Yami´s last blog ..LP – Plastik (Plastic) =-.

  30. Ladynred says:

    Yong pinaglagyan ng M&M yon ang plastic. Awesome shot!
    .-= Ladynred´s last blog ..Plastic (Litratong Pinoy) =-.

  31. Buge says:

    Kamusta? Tagal kong nawala dito at na-miss ko kayong lahat! Ang galing ng pagkakakuha! Ang galing talaga! Parang alam ko din kung asan yung plastik. :D
    .-= Buge´s last blog ..LP: Plastik (Plastic) =-.

  32. Dinah says:

    Ako sirit! Parang suspended sa ere a! Galing!
    .-= Dinah´s last blog ..LP 98: Plastik =-.

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] you want to see the other shot, simply click this. I promise you, that shot is from the same composition but different [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge