L.P. 99: Totoo

March 31, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Pumipihit na doorknob samantalang wala namang nagtatangkang magbukas ng pinto -nais ko sanang ipakita sa inyo ang karanasang ito. Subalit wala pa akong camera nang panahon na iyon.

Sa gitna ng kalaliman ng hatinggabi, lahat ng kasambahay ay mahimbing ang pagkakatulog subalit may isang tinig ng babae na impit ang pag-iyak sa kasilyas – nais ko sanang ipakita sa inyo ang karanasang ito subalit wala akong videocamera ng panahon na iyon.

Habang nag a-apply ng make-up at payapang nakaupo sa harap ng salamin ay may aninong dumaan sa aking likuran – nais ko sanang ipakita na ito ay totoo. Kung may camera kaya ako ay makukuhanan ko ng larawan ang anino?

Totoo kaya ang aking mga tinuran?

Ang alam kong totoo – ang maliliit na isda ay kayang-kayang lunukin ng buo ng malalaking isda!


Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!

Next Page »