LP 93: Batik/Mantsa

February 18, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Buwan ng Pebrero taong 1945 ng lubusang nawasak ang Maynila dahil sa digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at ng Japanese Imperial Army. Noong isang taon ay ginunita sa Fort Santiago, Intramuros ang ika-55 anibersaryo ng Battle of Manila.

Bilang pag-alaala sa tinatayang 120,000 tao na nasawi sa digmaang ito, 120 spirit lanterns ang pinalipad na nagmistulang mga batik ng liwanag sa gitna ng madilim na kalangitan.

Maligayang Huwebes mga ka-LP!

« Previous PageNext Page »