LP 94: Husay

February 25, 2010 by  
Filed under General, LP entries

Magandang araw ng Huwebes mga kasama! Isang pagsubok na naman ang ating pagsasamahan sa araw na ito. Mayroon po tayong panauhing litratista na siyang mag-aalay ng kanyang akdang Husay
sa inyong lahat. Siya po ay ang ating kasamang si Ian ng safarisogood.blogspot.com!

Noong nakaraang Agosto, nakita natin ang pagtindig nina Police Officer
2 Danilo Malab Jr., Private First Class Antonio Cadiente, Airman 2nd
Class Gener Laguindam and Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez sa tabi ng
mga labi ng yumaong Pangulong Corazon Aquino habang tinatahak nila ang
naging walong oras na paglalakbay mula sa Manila Cathedral hanggang sa
Manila Memorial Park sa Paranaque. Ang kanilang pagtalima sa tawag ng
tungkulin ay naging isang kagyat na pagsasabuhay ng kung ano nga ba
ang maging isang Pinoy: ang pagsuong sa hamon ng buhay, ang pagkaya sa
anumang dagok na dumating, ang manindigan sa prinsipyong hindi
magugupo sa harap ng hirap at sakit. Gawin kung ano ang dapat, kung
ano ang tama.

Ito rin ang mga kaparehong gabay sa mga lumahok sa EDSA People Power
Revolution naganap 24 na taon na ang nakakaraan. Bagaman nagbabadya
ang sandatahang lakas ni Marcos, hindi nangiming harapin ng
milyun-milyong Pilipino ang panganib, nag-alsa laban sa tiwaling
gobyerno, maanomalyang halalan, at abusadong pamunuan. Kasi ito ang
dapat, ito ang tama, ito ang tawag ng pagkakataon.

At dahil sa tagumpay sa EDSA, naluklok sa puwesto ang sinasabing
pinakaminahal na pinuno ng Pilipinas, ang simbolo ng demokrasya, si
Cory Aquino.

Hindi kailangang magkaroon ng panibagong People Power Revolution upang
matampok muli ang husay ng mga Pilipino. Ni hindi natin kailangang
tumindig, sumirko, o kumain ng bubog o apoy. Ang mga mumunting
kabutihan na ginagawa natin- lalo na kung walang nakakakita o
nakaabang na papuri o pabuya- ay sapat nang kaparaanan upang tumingkad
na muli ang ating mga katauhan.

Sa tingin ko, mas mainam pa na ang isang Pinoy ay maging mabuti ng
ilang milyong ulit kaysa kumilos nang may kabutihan ang ilang milyong
Pilipino nang minsanan lamang…

Comments

38 Responses to “LP 94: Husay”
  1. Ronnie says:

    uy related ang lahok ko sa lahok mo. hehe
    http://ronikage.com/litratong-pinoy-husay/2010/

    maligayang huwebes mga ka LP!

  2. Thess says:

    Ian, thanks for sharing your Husay.

    Talagang impressive ang 4 na sundalo! At sana mayroon pang kasing husay at may integridad na tulad ni Pres. Aquino na mauupo sa pwesto.

    Happy LP, everyone!
    .-= Thess´s last blog ..KaHUSAYan (LP 94) =-.

  3. Bilib din ako sa husay ng mga sundalo, lalo na yung mga nagbabantay kay Rizal,paano kaya yun kung may makati, hindi nila makamot. :D
    .-= Willa @ PixelMinded´s last blog ..LP#55:Husay (Skills) =-.

  4. Ebie says:

    Kahit wala kami duon sa lupang tibubuan natin,nanood na lang kami sa TV. Ang tiyaga nilang mga sondalong nakatayo sa procesyon.
    Meron pa kayang kasing dakila bukod kay Tita Cory?
    .-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Husay =-.

  5. arvin says:

    Mahusay talaga kapag may pagkakaisa. Yung post naman ni karmi e husay at talino, well, siyempre, hindi kami yun, hehe:P

  6. Pinky says:

    Ito ang husay Pinoy na tunay na ipagmamalaki! Maligayang LP sa lahat!

  7. Cookie says:

    sana nga ay maipagpatuloy ng mga anak ni Tita Cory ang kanyang naumpisahan…sayang naman kasi eh.

    http://scroochchronicles.com/?p=2321
    .-= Cookie´s last blog ..Giving The Appetite A Boost =-.

  8. upto6only says:

    ang husay talaga nila.

    uy merong kang stamps ni cory nice naman
    .-= upto6only´s last blog ..LP: Husay =-.

  9. Ken says:

    Cory is terribly missed not only by Filipinos but by everyone around the world.
    .-= Ken´s last blog ..Kahusayan / Skill =-.

  10. anj says:

    sadyang nakakabilib nga talaga yung apat na sundalong sumabay kay Cory. at sadyang nakakabilib din ang pananampalataya ni Cory sa Diyos at sa kapwa Pilipino.

    Mabuhay ang diwa ng EDSA!

  11. ian says:

    kahanga-hanga talaga sila, kahanga-hanga talaga tayong mga Pinoy. pero naniniwala ako na may ibubuga pa tayo, kung talagang kikilos lang tayo na may iisang tinatahak na direksyon…

    batay sa sinabi ni Efren Penaflorida, kailangan lang nating gisingin ang kabayanihan na naninirahan sa bawat isa sa atin =]

    karangalan ang magbahagi ng larawan at saloobin sa linggong ito =] salamat sa admin at kapwa manlalakbay sa kaparehong pagbabahagi ng mga litrato, komento, at husay =]

    mabuhay ang Pilipinas!
    .-= ian´s last blog ..Litratong Pinoy: HUSAY (Ability) =-.

  12. ces says:

    tunay ngang mahusay!
    .-= ces´s last blog ..mahusay =-.

  13. Joy says:

    Husay talaga ng Pinoy!!
    .-= Joy´s last blog ..LP: Husay (Skill) =-.

  14. Mirage says:

    Kanya kanya ng husay ang mga tao…pinakamaganda na yung maging mahusay ang ugali! Happy LP!
    .-= Mirage´s last blog ..Husay (Skill) =-.

  15. Julie says:

    ang husay ay nagsisimula sa sarili at nagra-radiate iyon. Mahusay ang iyong lahok, Ian.

    Happy LP sa lahat!
    .-= Julie´s last blog ..Mahusay Nga Ba ang Pinoy? =-.

  16. Marites says:

    sana nga ano ganyan ang Pinoy. Hindi iyong pa-ningas kugon lang palagi ang ugali. maligayang LP!
    .-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#86 Husay (Ability) =-.

  17. MsRay says:

    Ipinagmamalaki ko na ako’y isang Pilipino!
    .-= MsRay´s last blog ..Husay =-.

  18. January says:

    Sino nga ba ang hindi mabibilib sa mga sundalong yan. Saludo ako sa kanila!
    .-= January´s last blog ..Litratong Pinoy: Husay =-.

  19. Sassy Mom says:

    Ang galing! Tamang tama sa anniversary ng EDSA. Mahusay ka! :-)
    .-= Sassy Mom´s last blog ..Husay sa Pagaw ng Pottery =-.

  20. Arlene says:

    great pictures for the theme! i collect stamps so how i wish a Cory Aquino stamps will come across my way.

    Happy LP everyone!
    .-= Arlene´s last blog ..LP – Husay (Able/Skillful) =-.

  21. Sreisaat says:

    Kahanga-hanga ang kahusayan nila at sa ating mga kababayang Pilipinong patuloy na ipinaglalaban ang demokrasya sa ating bansa.

    Heto naman po ang lahok ko.

  22. luna miranda says:

    nakabilad sa init at ulan ang mga sundalong ito, kahit nga jingle walang pahinga.:p
    .-= luna miranda´s last blog ..Husay/skill [Litratong Pinoy] =-.

  23. Dinah says:

    Kahanga-hanga talaga ang kanilang husay at disiplina. At sana ay wag nating malimutan ang diwa ng Edsa.

    heto naman ang aking lahok :Husay
    .-= Dinah´s last blog ..LP 94: Husay =-.

  24. sheren-may says:

    Hanga talaga ako sa Honor Guards na mga iyan. Tunay ngang sila’y Fantastic Four. Nung pinapanood ko yan, di ko talaga mapigilang umiyak. Maraming salamat Tita Cory….Maligayang Huwebes mga ka LP.

  25. lino says:

    nice ian… humanga rin ako sa apat na yan, nasa US ako nung pinanood ang libing ni cory… I think cory is the only credible icon of EDSA 1…

    narito ang aking bahagi para sa linggong ito…

    http://linophotography.com/lp-husay-ableskillful/
    .-= lino´s last blog ..LP: husay…(able/skillful) =-.

  26. Eye says:

    mahusay nga ang 4 na sundalong yan, mahusay din ang pagkakapuwesto mo para makunan ang larawang ito.

    ito naman ang aking ma-”husay” na lahok:
    http://eyefocus.wordpress.com/2010/02/25/lp94-husay-able-or-skillful/
    .-= Eye´s last blog ..LP94: Husay (Able or Skillful) =-.

  27. Iris says:

    i agree, they really are very admirable.
    .-= Iris´s last blog ..Magaling, magaling [LP] =-.

  28. Yami says:

    Salamat Ronnie sa pagbahagi mo ng lahok mong ito.

    Maligayang Huwebes at magandang gabi sa lahat.
    .-= Yami´s last blog ..Litratong Pinoy – Husay =-.

  29. Noon, hindi ko gaanong naintindihan ang mga nai-ambag ni Presidente Aquino sa bansa sapagkat ako ay medyo bata pa… pero ngayon lubos ko nang nauunawaan. Nagpapasalamat ako na merong Corazon C. Aquino na namuno sa bansang Pilipinas.

    Ang aking lahok ngayong linggo ay naka-post na.
    .-= ShutterHappyJenn´s last blog ..Husay (Skill) =-.

  30. bang says:

    ang husay talaga ng 4 na sundalo na yan! Mabuhay kayo!

    Maligayang LP! Heto ang aking lahok: http://sweetbitesbybang.com/2010/02/lp-husay/
    .-= bang´s last blog ..LP: Husay =-.

  31. Alexis Lim says:

    Magandang Gabi mga Ka-Lp!! =))

    Ito ang aking litrato sa linggong ito: http://litratomanila.wordpress.com/2010/02/25/lp-94-husay/ o http://litratonijuan.blogspot.com/2010/02/lp-94-husay.html

    Salamat..haha
    .-= Alexis Lim´s last blog ..LP 94: Husay!! =)) =-.

  32. Ethel says:

    Ang galing naman – tungkol sa Edsa saka ko lang naiintindihan nung napanood ko sa Maalaala Mo Kaya (Ninoy and Cory) last month ata yon pinalabas, tas nag search ako sa youtube tungkol sa Edsa – nakaka touch grabeh. Wala pa kase akong pakialam sa mundo nung nangyari ang Edsa hahha…
    Eto pala aking naisipang e lahok para sa linggong eto.
    .-= Ethel´s last blog ..Kahusayan =-.

  33. Hindi ho ako gaanong marunong mag tagalog kasi bisaya ho ako, at matigas ang dila. Kaya pagpaumanhin ho ninyo kung inglis ang gagamitin ko sa aking paglahok. Dito po ang aking
    contribusyon:

    http://cuisine-nerainamerica.blogspot.com/2010/02/cook-and-shoot.html
    .-= Vanette Colmenares´s last blog ..LITRATONG PINOY =-.

  34. Habol ako! Nakalimutan ko na naman, ayan tuloy Linggo na!
    .-= HiPnCooLMoMMa´s last blog ..Husay: 51st Litratong Pinoy =-.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge