Ibahagi ang Inyong Mga Tips and Tricks
January 18, 2010 by R
Filed under General, News & Updates
Alam kong malimit sa hindi ay hectic ang ating Lunes ngunit gusto ko pa din kayong batiin ng isang mapagpalang Lunes!
Nais ko lamang ipaalam sa inyo ang bagong section dito sa Litratong Pinoy – “Photography Tips and Tricks”. Ito ay inyong matutunghayan tuwing Lunes.
Dahil dito ay amin kayong inaanyayahan na ibahagi ang inyong mga natututunan sa paggamit ng inyong camera. Kahit sa tingin ninyo ay basic lamang ito, tiyak kong makatutulong ito sa isang miyembro ng ating samahan.
Makipag-ugnayan kayo sa amin para sa paksa na nais ninyong ibahagi at kung ito ay makita naming magiging kapakipakinabang ay amin itong ipa-publish sa Litratong Pinoy.
Asahan namin ang inyong kontribusyon!

