LP 87: Makapal (thick)

January 7, 2010 by T  
Filed under General, LP entries

Manigong Bagong taon muli sa inyong lahat! Unang Huwebes sa taong 2010 kaya’t excited kaming makasama kayong lahat. Excited na makita ang mga litratong pinagbubuhusan ninyo ng oras at pansin upang isali sa ating lingguhang pagsubok! Kaya tara na, umpisahan na natin!

Makapal o ‘thick’ sa Inglis.

Dahilan na walang ‘winter’ sa atin sa Pilipinas, maraming kababayan ang nagnanais na makaranas nito. “Sana naman makakita o mahawakan ko man lang ang snow, masaya na ako” hiling ng iba.

Totoo, magandang makita na maputi ang paligid kapag nababalot nito. Masayang gumawa ng ‘snowman’, mag ice skate sa mga tumigas na tubig sa sapa, o makipag batuhan ng snowball! Pero may hatid din na hindi maganda kapag sobrang kapal ng snow ang nahuhulog mula sa kalangitan.

makapal

Maraming aksidente ang nangyayari sa labas dulot nito. Mahirap para sa mga sasakyan: kotse, tren o eroplano  ang bumiyahe.

makapal3

Pero walang magagawa. Hindi natin mapipigil ang kalikasan sa kanyang gustong ibigay sa atin.

Manatiling positibo kahit nanginginig sa kapal ng niyebe, ayos lang. I-enjoy na lang ika nga, tutal matatapos din ang panahon ng tag-lamig!

Happy LP po sa inyong lahat!

Comments

37 Responses to “LP 87: Makapal (thick)”
  1. Pinky says:

    Oo nga. Kapag nawala na ang novelty ng snow, medyo mababagot ka na rin lalo na pag shovelling na ang usapan. Hehehe :) Happy LP sa lahat!

  2. Pinky says:

    Oo nga. Kapag nawala na ang novelty ng snow, medyo mababagot ka na rin lalo na pag shovelling na ang usapan. Hehehe :) Happy LP sa lahat!

  3. Ebie says:

    Happy New Year! Ingat sa pag maneho!

    P.S. Hai, ang nabasa kong tema ay sa sunod na buwan pa,Peb. kaya, “akin” ang nagawa ko. Mamayang gabi na lang ang entry ko.
    Ebie´s last blog ..Sunset at the Beach My ComLuv Profile

  4. Keith says:

    Agree ako. Exciting sa una pero nakakasawa pag matagal. Maligayang LP sa lahat.

  5. Thess says:

    Nanunuot pati sa buto ang lamig, brrrr!!! Pero masarap maglaro kapag makapal ang snow, pati aso ko kawawa sa akin ha ha! :D

    Happy LP!!

    Thess’s last blog ..Gusto ko ng makapal (LP 87)

  6. Yami says:

    Happy New Year sa lahat. ngayon lang ulit ako nakajoin namiss ko buong month ng December.

    Mahina po ako sa lamig kaya sigurado maninigas buto ko sa ganyang kalamig na lugar. Brrrr.

    Ingat na lang sa pagmamaneho.
    Yami´s last blog ..Litratong Pinoy: Makapal (thick) My ComLuv Profile

  7. Ebie says:

    Hello, I am back!

    Happy New Year uli, and happy LP!
    Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Makapal My ComLuv Profile

  8. Mirage says:

    Apir! pareho tayo ng entry…mahirap talaga pag sobrang kapal nyan at kung malakas ay madami ngang nadidisgrasya o di kaya’y namamatay :( noong nakaraang 2 linggo ay ilan ang namatay sa lamig at bagyo…kaya mas ok yung hindi super kapal hehe. Happy LP!
    Mirage´s last blog ..Makapal (thick) My ComLuv Profile

  9. pareho ang ating naisip na entry, Ms. Admin. ;)
    Willa @ PixelMinded´s last blog ..LP#48:Makapal(Thick) My ComLuv Profile

  10. Ken says:

    Ganito rin dito sa Chicago … pero, mamayang gabi at bukas, baka mas makapal pa ang isno.
    Ken´s last blog ..Usok My ComLuv Profile

  11. Mauie says:

    Brrrr… picture pa lang giniginaw na ako. Di yata ako pwedeng tumagal sa ganyan at siguradong baradong-barado na ang ilong ko. :D Maligayang Bagong Taon sa lahat!

  12. Mauie says:

    Take 2. Hehehe… Di kasi nailagay ang link ng aking lahok. :D
    Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Makapal (Thick) My ComLuv Profile

  13. peachkins says:

    Naku, gusto ko rin ma-experience ang snow..
    peachkins´s last blog ..Things I got from peanutbutter♥ last year… My ComLuv Profile

  14. julie says:

    Siguro mas gugustuhin ko na yan kesa naman sa “makapal” na tema ng aking entry.

    me ilalagay sana akong ibang interpretasyon ng makapal pero dahil Bagong Taon naman, sige na nga, hindi na lang,

    Happy New Year po sa Lahat!
    julie´s last blog ..Makapal na Usok Mula sa Kaingin My ComLuv Profile

  15. an2nette says:

    happy LP, mahirap talaga pag makapal ang yelo, delikado sa mga nagmamaneho, nice shots

    Ito naman entry ko http://tonette-bachmann.blogspot.com/2010/01/litratong-pinoy-makapal-thick.html
    an2nette´s last blog ..The NAIA Terminal 3 My ComLuv Profile

  16. Ronnie says:

    ako gusto ko pa din makaranas ng snow!
    eto naman ang aking lahok:
    http://ronikage.com/litratong-pinoy-makapal/2010/

  17. Joy says:

    Masarap nga lang sa una ang snow. Kaya nga ata hindi mo kami mapapalipat mula dito sa So. Cal at ayaw ng mister ko na magpala ng snow para lang makaalis ng bahay! Hehehe.

    Magandang araw!
    Joy´s last blog ..LP: Makapal (Thick) My ComLuv Profile

  18. January says:

    Kailangan mag ingat sa makapal na yelo para iwas disgrasya.

    Magandang Araw!

    Makapal na Ulap
    January´s last blog ..Litratong Pinoy: Makapal (Thick) My ComLuv Profile

  19. karmi says:

    picture pa lang, nilalamig na ako :|

    grabeng kapal naman ng snow na yan!! buti na lang pala hindi masyadong nags-snow dito sa San Antonio dahil baka lagi akong may sakit.. hehehe..
    karmi´s last blog ..LP: puffs to go My ComLuv Profile

  20. Arlene says:

    wow! yan talaga ang makapal! ang gando ano? Gusto ko makahiga sa makapal na snow para picturan. I did that the first time i experienced snow. Kaso lang ang hirap talaga maglakad sa makapal na snow lalo na pag gabi.

    My entry is now up!

    Maligayang Huwebes sa lahat!
    Arlene´s last blog ..2/365 My ComLuv Profile

  21. Happy New Year mga ka-LP! Ang aking lahok ay nakapost na po!
    ShutterHappyJenn´s last blog ..Makapal (Thick) My ComLuv Profile

  22. upto6only says:

    happy new year. gusto ko ding makakita ng snow balang araw :)

    Happy LP
    upto6only´s last blog ..LP: Makapal My ComLuv Profile

  23. lino says:

    sabi nga sa news, the worst daw in 30 years sa london…
    maligayang araw mga ka LP… narito po ang makakapal na ulap sa aking bahagi…
    lino´s last blog ..LP: makapal… My ComLuv Profile

  24. Iris says:

    hala ang kapal niyan! pero mas ok na yan kesa makapal na dumi ang nakakapit sa kotse =)
    Iris´s last blog ..Mia’s last quarter Firsts! My ComLuv Profile

  25. carnation says:

    naku buti na lang naka-alis na ako sa scotland nang bumuhos ang snow! ito naman sa akin http://sweetcarnation.blogspot.com/2010/01/lp-makapal-thick.html
    carnation´s last blog ..Looking back, stepping forward My ComLuv Profile

  26. luna miranda says:

    ayyy, sa litrato pa lang giniginaw na ako! hindi yata ako mabubuhay sa ganyan kalamig.:p
    luna miranda´s last blog ..Makapal [thick] – Litratong Pinoy My ComLuv Profile

  27. BevB says:

    happy LP! :) mahilig ako sa snow :) nakakatuwa pagmasdan :)
    BevB´s last blog ..LP–Makapal My ComLuv Profile

  28. Alexis Lim says:

    Happy LP to all!! =)).. Pangalawang Post ko na po to.. haha.. Enjoy..

    Pakibisita na lang po blog entry ko: http://litratonijuan.blogspot.com/2010/01/lp-87-makapal-thick.html / http://litratomanila.wordpress.com/2010/01/07/lp-87-makapal-thick/

    Both have the same content.. Maraming Salamat po!! =))
    Alexis Lim´s last blog ..LP 87: Makapal (thick) My ComLuv Profile

  29. Marites says:

    naku, ang lamig naman niyan! maligayang LP!
    Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#79 Makapal(Thick) My ComLuv Profile

  30. chiewilks says:

    nakakatakot nga ang masyadong makapal na snow..kahit di ko pa naranasan ang tumira sa bansang umuulan ng yellow..sa nkikita ko sa pictures dito cguradong mahirap para sa mga sasakyan yan…

    posted mine today pala…first time..sana pasok…

    Happy New Year
    chiewilks´s last blog ..Litratong Pinoy 1: Makapal (Thick) My ComLuv Profile

  31. anj says:

    nyebe din ang una kong naisip na tema. haha. nakakatuwa nga ang snow kung sa unang pagkakataon mo ito nakita o kaya naman minsan-minsan lang kung dumating.

    happy LP! (matagal na rin akong hindi nakakalahok!)
    anj´s last blog ..LP 87: makapal (thick) My ComLuv Profile

  32. Ladynred says:

    Ok lang makapal ang snow basta hindi malamig at tsaka hindi slippery.
    Happy New Year sa lahat!
    Ladynred´s last blog ..Makapal or Thick (Litratong Pinoy) My ComLuv Profile

  33. ian says:

    naku, ganyang kakapal na snow ang sumalubong sa aming bakasyon noong nakalipas na disyembre. totoo, masaya lang talaga syang tignan, pero kapag sumubok ka nang lumakad o magmaneho sa lugar na may ganyan karaming niyebe- kasumpa-sumpa na sya! hehe

    gayupaman, happy pa rin ang new year!
    ian´s last blog ..Litratong Pinoy: MAKAPAL (Thick) My ComLuv Profile

  34. Dinah says:

    Sobrang kapal naman ng yelong yan, iniisip ko pa lang giniginaw na ako. Di yata ako puede dyan at mahina ako sa lamig :-)
    Heto naman ang entry ko sa tema nating makapal

    Dapat kahapon pa to, ang bagal lang ng broadband ko :-(
    Dinah´s last blog ..LP 87: Makapal My ComLuv Profile

  35. Eirven says:

    pwede po ba mag pasa ng ng LP kahit hindi huwebes?or kahit late na po?
    Eirven´s last blog ..Amusing but also Tiring My ComLuv Profile

  36. admin says:

    Hello EIRVEN, pwedeng pwede kahit anong araw…basta tuwing Huwebes mo makikita ang bagong ‘challenge’ post :)

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled