LP 89: Magustuhan o Maibigan
January 21, 2010 by R
Filed under General, LP entries

Garuda holding a naga. Around the base of the ubosoth of the Temple of the Emerald Buddha.
Isa sa mga bansang nais kong puntahan ay ang Thailand. Kaya isang malaking kagalakan para sa akin na sa wakas ay nakapunta na ako dito noong isang linggo.
Maigsi lamang ang aming pagtigil dito, wala pa halos 48 oras ngunit tunay kong nagustuhan ang bansang ito. Marami akong pinlanong gawin ngunit ilan lamang ang natupad. Ngnuit masasabi ko na lubos naming nasulit ang pagtigil namin dito. Hindi ako nanghihinayang sa mga hindi ko nagawa dahil ito ay nagsisilbing dahilan upang ako ay bumalik at ang ideya na ito ay lubos kong naiibigan.
Maligayang Huwebes mga ka-LP!



Hindi pa ako nakarating sa Thailand, but I want to experience and see the rich culture especially in their exquisite architecture.
Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Magustuhan
Less than 2 days kayo doon, bitin na bitin nga! Sige balik agad! ha ha ha!
Happy LP everyone!
my entry
i like it! ang ganda ng pagkakakuha mo.
naisip ko lang na sa mga temples na yan ng bangkok, lumalabas talagang maganda ang mga kuha no? at ang daming ‘picture-worthy’ na views doon =)
Iris´s last blog ..roasted love [LP]
Gusto ko sana makabalik sa Thailand dahil sobrang enjoy kami sa pagkain at mga tanawin doon. Happy LP!
ako rin, one day gusto kong puntahan ang Thailand! ganda ng angle!:)
talagang kakaibang bansa ang Thailand. hindi pa man ako nakakapunta rito marami na akong nababalitaang mga gawain at lugar na kagigiliwan ng mga may iba’t ibang hilig, mula sa pamimili hanggang sa kasaysayan hanggang sa kalikasan, pati yung… huwag na lang hehe
mabuti at sinamantala mo pa rin ang panandaliang paglagi mo doon! masuerte ka pa rin!
mabuti at sinamantala mo pa rin ang panandaliang paglagi mo doon! masuerte ka pa rin! napakagandang lugar! sana sa susunod ay mas matagal.
pang domestic ang aking budget kaya mas magugustuhan kong mga lakbay sa Camiguin o kaya sa Coron(palawan)
BTW, i love the pix, tunay na ginto kaya yan? pag nakakaita ako ng ganyang ka-kinang na ginto, nagugustuhan kong kagatin
kung tunya nga o hindi ang ginto =))
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Ang ganda at elaborate ng mga templo sa Thailand. Dami photo op-worthy places!
Magandang araw mga ka-LP!
gusto ko rin sanang malaman ang settings ng larawang ito:) demanding ba? hehe!
Ang ganda ng larawan =) Napakaregal ng gintong kulay nito at talaga naman magugustuhan nito ang sino mang makapamasyal sa thailand.
Share din po sana ako ng aking unang lahok sa litratong pinoy. Magandang Umaga =)
Nagustuhan ko ang magandang pov ng kuha mo! Ang ganda! pati kulay ha! Happy LP!
kahit hindi ko pa napuntahan ang Thailand, I am sure napakaganda nito.
Type na type ng mga ka LP, I’m sure.
Eto naman ang lahok ko.
http://thisrandomness.blogspot.com/2010/01/litratong-pinoy-magustuhan.html
Gusto ko ring mapadaan doon … balang araw …
Ang ganda! sayang at sandali ka lang (bakit nga ba?). Di bale,bawi ka na lang sa susunod
Happy LP Day po sa inyong lahat!
Napunta na ako jan pero gusto ko ulit magpunta…
Maganda pala sa Thailand, makapunta nga bukas, gabi na kasi dito,wala ng masakyan kaya bukas na lang ako pupunta.
ang ganda-ganda ng kuha, ngayon ko lang nalaman na garuda pala ang tawag diyan. maligayang LP!
napakaganda talaga sa thailand…dyan kami nag-honeymoon
ngayong summer naman, dyan din kami magbabakasyon kasama na ang mga anak
dalawa lahok ko ngayon…
http://scroochchronicles.com/?p=2222
at eto pa..
http://momsamamarazzi.com/?p=29
@Ebie – you should. gusto ko nga bumalik kasi di ako nagkaroon ng chance na mag foodtrip. yun pa naman ang isa sa mga binalak kong gawin kaso kapos na kapos kami sa oras. ang daming pwedeng gawin sa thailand!
@Iris – medyo asar nga ako kasi di ako masyadong nakapg kuha ng mga picture worthy na sites. yung mga kasama ko kasi pa picture ng papicture. haha!
@Pinky – EB tyo sa BKK ni Thess. hahaha
@Ian – naku di kami nakasilip dun sa wag na lang hahaha. i read somewhere na bago ka daw magbayad ng entrance dun e silipin mo daw muna kasi baka di mo kayanin. hahaha
@Jay – siguro kung makakatyempo ka ng sale sa cebu pacific give it a go. baka nga pareho lang ang magagastos mo if mag domestic travel ka.
@CaL – no problem ^_^ http://www.flickr.com/photos/ronikage/4288091872/meta/
@Cha – hi! welcome to litratong pinoy! natuwa ako dun sa isang photo mo. yung couple na turista na parang may buhok na halaman hahaha
Magandang Umaga… Ang ganda naman dyan sa Thailand.
Eto po ang lahok ko sana magustuhan nyo..Magandang Araw
LP Magustuhan (Like)
Ang Thailand ay isang exotic na lugar para e explore. Nice shot of a temple guardian!
Pagkain naman sa akin…ewan ko kung magustuhan nyo ito.
Happy LP sa lahat!
Ninanais ko ring pumunta doon.
Ganda naman!
second comment,parang wala yung isa…
enjoy din ako sa bisita ko dati sa Thailand. kahit halos kapareho lang ng klima dito sa Pinas, ibang-iba ang kultura nila. mababait din ang mga Thai at masarap ang food! aliw din ako sa aking pamamasyal. gusto kong bumalik!
I was in Thailand a couple of years ago. I visited Chiangmai and Bangkok. One of my most memorable experiences there was going to the night market at Pot Pong and riding the tuktuk. LOL!
http://www.rachelcay.com/2010/01/lp-maibigan-o-magustuhan-likes.html
magandang huwebes taga LP. ito napo ang entry ko sana maibigan nyo.
Sana po ay makapunta rin ako sa lugar na yan…
posted mine today
http://chiescameraworks.blogspot.com/2010/01/litratong-pinoy3-magustuhan-o-maibigan.html
Ito ang aking litrato para sa tema ngayong linggo..haha =))
http://litratomanila.wordpress.com/2010/01/21/lp-89-magustuhan-o-maibigan/ o http://litratonijuan.blogspot.com/2010/01/lp-89-magustuhan-o-maibigan.html .. kahit anu sa 2 pede..parehas lang ng laman.. =))
ako ay humahabol…. hehehe…. humahangos….
narito na po ang aking bahagi sa linggong ito…
Sana’y marating ko rin ang lugar na iyan. Siguradong magugustuhan ko diyan.
Narito pala ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2010/01/litratong-pinoy-maibiganmagustuhan-to.html
ei ronnie, napakaswerte mo at nagkaroon ka ng pagkakataong kumuha ng mga larawan bagama’t sandali lamang ang inyong pagtigil sa thailand. kahit sinong pumunta don ay talagang maiibigan ang mga ginintuang buddha na ito
paumanhin, mga admin, nagloloko ang aking internet connection,
ito po ang aking lahok:
http://eyefocus.wordpress.com/2010/01/21/lp89-maibigan-o-magustuhan-to-like/
nakakatuwa talag kapag natutupad ang pangarap no? masaya pakiramdam kapag nakamit ang inaasam.

anj´s last blog ..LP 89: Maibigan o magustuhan
sa wakas, 4 na araw na lang at 1 taon na akong walang post kaya heto po ang aking lahok sa linggong ito! maligayang lp!
http://dangcharlie.blogspot.com/2010/01/lp-89-magustuhan-o-maibigan.html
dang´s last blog ..LP 89: Magustuhan o maibigan
Ako din hindi pa nakakapunta sa Thailand. I like the texture ng larawan!
Ladynred´s last blog ..Magustuhan or Like (LP)