Ibahagi ang Inyong Mga Tips and Tricks

January 18, 2010 by R  
Filed under General, News & Updates

Alam kong malimit sa hindi ay hectic ang ating Lunes ngunit gusto ko pa din kayong batiin ng isang mapagpalang Lunes!

Nais ko lamang ipaalam sa inyo ang bagong section dito sa Litratong Pinoy – “Photography Tips and Tricks”. Ito ay inyong matutunghayan tuwing ikatlong Lunes ng buwan.

Dahil dito ay amin kayong inaanyayahan na ibahagi ang inyong mga natututunan sa paggamit ng inyong camera. Kahit sa tingin ninyo ay basic lamang ito, tiyak kong makatutulong ito sa isang miyembro ng ating samahan.

Makipag-ugnayan kayo sa amin para sa paksa na nais ninyong ibahagi at kung ito ay makita naming magiging kapakipakinabang ay amin itong ipa-publish sa Litratong Pinoy.

Asahan namin ang inyong kontribusyon!

Comments

8 Responses to “Ibahagi ang Inyong Mga Tips and Tricks”
  1. Ladynred says:

    Tagalog din ba ang words na gagamitin. Mahirap ksi ang tagalog!
    Ladynred´s last blog ..Magustuhan or Like (LP) My ComLuv Profile

  2. admin says:

    pwede sa English, Ms. Ladynred. :)

  3. jay ar sibal says:

    Sa lahat,

    matagal na kong naghahanap ng paraan para mahasa o mapagbuti ko ang aking hilig sa pagkuha ng litrato. wala pa po akong alam sa kung ano pa man pagdating sa camera o pagkuha..lagi ako naghahanap sa internet ng pwede kong makuhang advice pero wala ako makuha. may camera po ako binili sony simple lang pero pwede na para sa tulad kong naguumpisa. baka naman may mga makabasa nito na pwede akong bigyan ng tip. matagal ko na gusto matuto ng photography pero mahirap lang ako at hindi kaya makaatend sa mga seminars. inaaral ko lang ang mga libro at magasin na makita ko. salamat po. pls… help me naman with this dream of mine to become a simple and yet humble photographer.hehe..

    jayar

  4. Ken says:

    JR: the best way to learn on your own is to take photos and take a lot. Then tingnan mo kung ano ang mga magagandang kinuha mo. Piliin mo ang mga ito. Pagkatapos noon, ipakita mo sa mga kaibigan ‘yung pinili mo. At tanungin sila kung ano ang gusto nila. Hiwalayin mo ang mga nagustuhan. Then study them kung bakit ang mga ito’y pinili nila. Usually, there are a few basic stuff – tulad ng komposisyon, color, photographic elements like lines, curves, etc. – doon sa mga pinili nila – dahil ang mga ito’y pleasing to the eye. Tingnan mo kung nag-follow ang komposisyon mo sa rule of thirds. Divide your fame into three, horizontal and vertical. Kung saan nag-iintersect ang mga imaginary lines na nagdivide, doon nakalagay ang main subject. But this rule is not set in stone. Kung minsan, centering works – depende kung ano ang gusto mong ipakita. You just have to judge it yourself.

    Don’t forget to edit on camera. Ang ibig kong sabihin, usually, kung bago kang litratista, gusto mong ilagay lahat ang puwedeng ilagay sa iyong kumposisyon. But that tends to be busy and your eye don’t have anything to focus on. So make things simple.

    Yun lang.
    Ken´s last blog ..Hindi sa akin – Not mine My ComLuv Profile

  5. Ken says:

    Oops, divide your frame, not fame.
    Ken´s last blog ..Hindi sa akin – Not mine My ComLuv Profile

  6. Ken says:

    oops, your eyes don’t ,,, not eye don’t
    Ken´s last blog ..Hindi sa akin – Not mine My ComLuv Profile

  7. Ken says:

    Heto ang isang example ng rule of thirds

    Note that yung placement ng ibon ay malapit doon sa intersecton ng linya, ganoon din ang ridge ng hill sa likod is on the line itself. If you can place your objects on or near the intersections and lines, ang resulta will be very nice to the eyes.
    Ken´s last blog ..Hindi sa akin – Not mine My ComLuv Profile

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled