LP goes to St. Andrews – Scotland, UK

December 15, 2009 by  
Filed under L.P. goes to!, News & Updates

LP goes to St. Andrews, Scotland, UK!

Maraming mga magagandang tanawin at puntahan dito sa Scotland, UK. Kaya lang malamig ang panahon, at madalas umulan. Kaya minsan nakakatamad lumabas. Ngunit noon nakaraang Oktubre, nagkaroon ako ng pagkakataon na sumamang mamasyal sa St. Andrews, Fife kasama ng iba pang mga estudyante at mga kaibigan na taga-rito. Eksayted ako dahil kilalang-kilala itong lugar na ito sa mga naglalaro ng golf, at saka sa mga interesado kay Prince William. Mabuti naman noon at maganda ang panahon, hindi masyadong malamig, sumikat ang araw, at walang ulan. Dito palaging usapan ang panahon kaya pasensya na.

pic92Mga tatlong kasal yata ang aming nakita. Dito sa harap ng St. Andrews’ Castle may bagpiper na tumutugtog upang i-welkam ang mga bisita. Masarap pakinggan ang mga tugtog galing ng bagpipes at ito ang isa sa mga simbolo ng scotland. Naka-costume din ang bagpiper, suot nya ang kilt or tartan. Ito ang sinusuot ng mga lalaki tuwing may pormal na okasyon. mabigat ang makapal ang palda nito. bawat ‘clan’ o pamilya merong design at kulay ng tartan.

pic75 Umikot din kami sa ruins ng St. Andrews’ Cathedral. Malaking simbahan gawa sa bato. Maraming kinuwento ang aming tour guide tungkol sa history ng simbahang ito. Basahin nyo dito sa mga links na ito: link 1 ; link 2

pic48 Dito naman nasa background ang beach. Sa bandang kanan merong golf club and course. Sabi nila dito daw nagsimula ang larong golf. Kaya maraming pumupunta rito at marami ding mga shops na nagbebenta ng mga gamit sa golf. Tawag nga sa St. Andrews ay ‘Home of Golf’. Maraming info dito sa link na ito: http://www.standrews.org.uk/

standrews_lp1 Syempre ang maliit na syudad na ito ay puno rin ng mga shops. Kaya kami ay nagwindow shopping at namili rin nga mga kung ano-ano. Dumaan din kami sa isang coffee shop at ice cream shop. Sa harap nito merong estatwa ni paddington bear kaya kami naman ang nagposing dito.

Kaya kung kayo ay pumunta ng scotland huwag nyong kalimutang puntahan ang St. Andrews.

Carnation
http://sweetcarnation.blogspot.com

Comments

4 Responses to “LP goes to St. Andrews – Scotland, UK”
  1. Mirage says:

    uy salamat sa pagpapakita nito…kakaiba ang ruins…
    .-= Mirage´s last blog ..Sunbeam =-.

  2. Thess says:

    May friend ako na golf enthusiast at sabi nga nya magaganda golf courses sa Scotland, dahil doon nga nagsimula ang larong ito.
    Thanks for sharing :)
    .-= Thess´s last blog ..Pasko Ko, Pinoy. (LP 84) =-.

  3. carnation says:

    hello admin, salamat at na post mo na rin. ngayon ko lang nabasa dahil nagbyahe ako mula UK balik sa Asya kaya medyo busy pa sa pag-aayos at balik sa trabaho. sana maka-balik na rin ako sa pagsali sa LP!
    .-= carnation´s last blog ..One foggy morning =-.

  4. Iris says:

    wow Scotland. gusto ko yan puntahan, actually edinburgh ang nasa bucket list ko, pero pwede na isama yan =)
    .-= Iris´s last blog ..I am thankful for… [LP] =-.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge