LP 82: Hudyat
December 3, 2009 by T
Filed under General, LP entries
Kamusta na kayo?! Na-miss namin kayo…na-miss nyo rin ba ang L.P.?
Bago tayo magsimula ay pag-usapan muna natin ang konting pagbabago sa LP. kahit saglit lang. Alam nyo na bang lahat na hindi lang sa mga blogs natin pwede gumawa ng akda para sa LP kung hindi ay pwedeng-pwede na rin sa inyong Facebook Wall at Flickr Page! Mayroon pong mga interesadong sumali sa L.P. (naibulong po sa amin) pero wala silang blogs kundi facebook at flickr lang. Kaya ngayon, mas madali na ang sumali at makisaya sa ating grupo tuwing Huwebes! Alam nyo din ba na wala na tayong blogroll? Hindi nyo pa alam? Naku i-click nyo lang ang mga ‘pages’ para sa karagdagang impormasyon.
Eto pa ang isang ‘exciting’ na balita. Alam nyo ba’ng malapit nyo nang matunghayan ang PHOTONUTS sa LP? ‘Ano yung PHOTONUTS?’ Sekreto muna ha! ha! ha! Sya nga po pala, ang mga bagong balita ay matutunghayan ninyo sa ating sidebar, huwag nyo pong kalilimutan.
‘Yan lang po muna kaya naman…..umpisahan na natin!
HUDYAT o sinyal, alarma, tanda, babala, senyas. Ang salitang ito ay ginagamit depende sa uri ng pagkakataon. Gagamitin ko po ito bilang alarma.
Tayo na may mga maagang trabaho o kahit na sa gabi pa ito, ay kinakailangan natin ang tulong upang tayo ay magising ng tama sa oras. Syempre naman ito ay sa kadahilanang ayaw nating mahuli sa ating patutunguan. Gamit din ito ng mga estudyante para hindi mahuli sa eskuela. Alarma sa orasan o celphone, tiyak magigising pati ang kasambahay sa handog na hudyat nito!
teka….paano naman yung parang mantika matulog? May silbi kaya sa kanila ang hudyat na ito?
Magandang araw ng Huwebes ng L.P. sa inyong lahat! It’s great to be back!



maligayang huwebes! ang aking lahok ay sa URL link above o pwede ding sa flickr
http://www.flickr.com/photos/ronikage/4152324071/
.-= Ronnie´s last blog ..Litratong Pinoy: Hudyat =-.
welcome back LP!
naku, walang epekto sa akin ang alarm kahit na gaano pa ito kalakas.. hehe.. kaya di ko rin ito ginagamit.. =) pero dahil minsan na akong muntik ma-late sa trabaho, napipilitan na akong magpa-alarm.. hehehe
.-= karmi´s last blog ..LP: Katapusan at Bagong Simula =-.
welcome back, then =) and good job on the site layout, we like!
yang orasan siguro ang pinaka ayaw kong signal. lalo pag monday. haha.
.-= Iris´s last blog ..it’s a sign! [lp] =-.
welcome back ulet!
.-= Willa @ PixelMinded´s last blog ..LP#45: Hudyat(Signal) =-.
maligayang balik-LP sa lahat =] *hudyat* na naman ng lingguhang paglilibot sa iba’t ibang siyudad, bansa, kaisipan nang hindi iniiwan ang trabaho at tahanan =]
mabuhay ang LP team =]
.-= ian´s last blog ..Litratong Pinoy: HUDYAT (Signal) =-.
Naku, wag pipindutin ang snooze at siguradong makakatulog ulit
Welcome back LP
.-= julie´s last blog ..Pasko Na! =-.
hello LP, please welcome me back in your arms again. hehehe, salamat at nagbukas ng ulit ang LP exclusively for me, joke time.
heto po ang aking entree
.-= kotsengkuba´s last blog ..LP0949 Hudyat =-.
Ayaw na ayaw ko naririnig ang alarm sa umaga!! Kasi maigsi lang lagi ang tulog ko, nag-aalarma ay ang kabiyak ko dahil maagang magtrabaho…gusto ko pang matulog!
Happy LP…welcome back!
.-= Thesserie´s last blog ..Taxi! (LP 82 Hudyat) =-.
yehey may LP na ulit yehey yehey
HUDYAT na muli ng ating linuhang paglalakbay sa mundo ng mga litrato ng pinoy
naku, kadalasan na uuna pa akong magising kesa sa alarm ko
at pag nag alarm na, hudyat na yun ng pag tulg muli =))
sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
.-= Jay – agent112778´s last blog ..LP # 82 : Hudyat (mark/signal) =-.
Nahuli, pero andito na din po ako!
Nawa ay magustuhan ninyo ang aking lahok na ito: http://siteseer.blogspot.com/2009/12/best-sign.html
Happy to be in LP again!!!
.-= Dr Emer´s last blog ..The Best Sign =-.
Wa epek po ang alarm ng relo sa akin.
Masahol pa po sa mantika kapag ako ay naidlip. Hehehe
.-= Dr Emer´s last blog ..The Best Sign =-.
Welcome back LP, miss na miss na namin. Maganda ang lay out.
Wa epek yung alarm ko, dahil palaging napindot and snooze button. Buti na lang ang pusa ko and second alarm ko.
.-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Hudyat =-.
Welcome back! Piyesta na naman!
4:40 ng hapon ang alarm? Night shift ba sa trabaho? Been there, done that.
.-= Ken´s last blog ..Sending out an SOS – Tulong!!!! =-.
ganitong ganito ang aking panggising lol. technostar! Apir!
Happy LP! Hudyat na ng pagpopost!
.-= Mirage´s last blog ..Hudyat =-.
ay gusto yang alarm clock na yan tyak na gising na gising ako pag nagalarm yan.
maligayang pagbabalik muli.
.-= upto6only´s last blog ..LP: Hudyat =-.
naku sa asawa ko walang silbi ang alarm clock, kahit yata pompyang e hndi sya magigising hihi
at eto po ang aking lahok:
LP: Alarma
ay ang saya at balik na naman tayo. Maligayang pagbabalik, mga kalitratista!
.-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#74 Hudyat (Sign) =-.
Yey, may LP na ulit!
Mula ng magkaroon ako ng cellphone, yun na rin ang ginagamit kong alarm sa umaga.
Ang aking lahok ay nakapost na rin!
.-= ShutterHappyJenn´s last blog ..Hudyat (Signal) =-.
yey! we’re back! narito po ang aking bahagi para sa linggong ito… maligayang araw mga ka LP!
.-= lino´s last blog ..tanda, babala o sensyas… =-.
yehey, buhay na naman ang LP!
heto ang aking lahok :http://bragsimply.blogspot.com/2009/12/lp-82-hudyat-sign.html
.-= Dinah´s last blog ..Real Life Farmville =-.
Welcome back, LP!! Ang ganda ng bagong site natin ah…loveettt
eto na po ang lahok ko nitong linggo
http://scroochchronicles.com/?p=2102
.-= Cookie´s last blog ..Diarrhea Diarrhea…Diarrhea Let Me Go…oh oh oh =-.
Maligayang pagbabalik LP!
eto naman ang lahok kew. CLICK HERE.
honga pala maligayang pagbalik LP.
.-= Ethel´s last blog ..oh No, please help! =-.
Yehey!!! Bumalik na ang Litratong Pinoy!
http://www.msray2008.com/2009/12/hudyat.html
Welcome back! Nakakamiss ang LP… gamit ko ring ang alarm para sa aking mga anak.
.-= Sassy Mom´s last blog ..Hudyat na malapit na ang Pasko =-.
ang alarm clock ay napakaayos na gamit para gisingin ka sa tamang oras. but for some years body clock lang ginagamit ko sa pagising sa umaga.
welcome back LP!
My entry is now up here: http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2009/12/lp-hudyat.html
.-= Arlene´s last blog ..LP – Hudyat =-.
Halu. natawa ako sa kwento ng relos na yan bagay na bagay sa akin. ilang beses ng nalate ang mga anak ko sa skul dahil di ako nagigising kaagad kahit na may alarm clock pa. mas nauuna pang magising ang kapitbahay namin sa lakas ng alarm clock.
eto ang sound ng cellphone ko kapag nagaalarm…
“mommy andiyan na yung bumbay. ano ang sasabihin ko wala ka?”
At narito naman po ang lahok ko ngayon Linggo. Welcome back ulit!
http://penname30.blogspot.com/2009/12/litratong-pinoy-hudyat.html
.-= yami´s last blog ..Litratong Pinoy: Hudyat =-.
Maligayang Pagbabalik sa LP!
Mahalaga para sa kin ang alarm (read: tatlo) dahil mahirap mag-commute pag naiwan ng shuttle bus!
Siguro dapat magdagdag na rin ako ng alarm tuwing Huwebes dahil nakaligtaan kong mag-post kahapon, pasensya na po sa late entry.
.-= Eye´s last blog ..LP 82: Hudyat =-.
Maligayang pagbabalik, LP!
Alarm clock din ang gamit ko para ako ay magising on time sa umaga. May mga cell phones pang kasabay para sigurado.
Narito ang aking lahok para sa linggong ito, Hudyat
.-= Lynn´s last blog ..Litratong Pinoy: Hudyat (Sign) =-.