LP 77: Linis

October 1, 2009 by  
Filed under LP entries

(ma)LINIS. Clean

Malinis na pagkain. Lahat naman siguro tayo ay gustong malinis ang ating pagkain. Pero paano mo nga ba masisigurong malinis ang iyong kinakain? Halimbawa, sa mga restaurant na ating kinakainan, sigurado ba tayong malinis ang kanilang inihahain sa atin? Hmmmm, ano sa palagay mo?

OC. Iyan ang tawag sa akin ng ilang kaibigan dahil hindi ako nakakatagal sa maduming paligid, panay linis ko daw. Kung kaya naman pikitmata na lang kumbaga kung sa restaurant ako kumakain, lalo na at hindi ko naman kilala ang nagpe-prepara ng aking kakainin. Pero wala naman magagawa, hindi ba?

Kaya kung ako ang magluluto, sinisiguro kong malinis ang aking paligid sa kusina, iba ang gamit na chopping board para sa karne, iba rin ang sa gulay, at iba rin ang sa tinapay. Ang ‘tyaga’ ko daw, sabi ng aking kabiyak dahil kung tahong ang aking lulutuin ay talagang iniisa-isa ko itong isi-isin kahit sumakit pa ang balikat ko. Sulit naman dahil pati sabaw ay talagang masarap higupin!

tahong

Oktubre na. Nakakalungkot na magsisimula ang buwan na ito para sa ating grupo na may halong lungkot hatid ng kalamidad na dumating sa ating bansa. Sana naman lahat kayo at inyong mga pamilya ay ligtas at nasa maayos na kalagayan. Sa paparating na isa pang bagyo ay maghanda po tayo ng husto.
Patuloy tayong magtulungan, mga ka-LP…at patuloy ding tumulong sa iba nating kababayan, kahit sa ano mang paraan. Kaya nating harapin ang mga pagsubok.

Magandang araw ng LP po sa inyong lahat.

« Previous Page